three

6 4 0
                                    

Lunch na at tahimik akong kumakain sa cafeteria. Sana. Kung hindi lang dumating 'tong nasa harapan ko. Ilang beses ko na ba siyang nakita? Dalawa, pangatlo na ngayon. Panigurado, sisirain niya ulit ang oras ko.

"Oy, ang lungkot mo naman, mag-isa ka lang kumakain dito," bungad niya nang makaupo sa harap ko at inilapag sa mesa ang nabiling pagkain.

Hindi ko siya kinibo. Mas interesante ang pagkain ko kaysa sa lalaking nasa harap at binibwisit ako.

"Snob mo naman, mahal," dinig na dinig sa boses niya ang pangungulit.

"Wala ka bang kalaro sa bahay niyo at ako ang ginugulo mo?" sumama ang tingin ko sa kaniya.

"Mukha ba akong bata para makipaglaro?"

"Bakit, hindi ba?" tumaas ang kilay ko.

Ngumuso siya at sinuklay ang kulay tsokolate niyang buhok na halos tumabon na sa noo niya. "Ang sungit mo sa 'kin, ang sakit na sa heart," reklamo nito at sumubo sa pagkain.

Doon ko lang siya napagmasdan nang mabuti. Gwapo nga siya gaya nang pinagyayabang niya kahapon. Moreno siya at lalaking-lalaki tingnan. Kaso iba ang aura niya sa kulay niya. Para siyang kumikinang dahil sa sobrang masiyahin niya at isip-bata.

"Kinikilig ako sa titig mo, alam mo ba 'yon?" kuha niya sa atensyon ko. "Anong iniisip mo? Iniisip mo sigurong mahal mo na ako, 'no! Kailan mo ko liligawan?" Lumawak ang ngiti niya sa ilusyon niya at parang uod na binudburan ng asin ang katawan.

Asa siya. "Iniisip ko kung paano kita patatahimikin. . ."

"Kiss mo ko para tumahimik na ako," at ngumuso uli.

"Patatahimikin habang buhay," dugtong ko sa sinabi ko.

Napakagat-labi naman siya. "Ah! Kikiss mo ko habang buhay!" at tumawa siya. Gago 'to.

Tumama ang hawak kong kutsara sa noo niya. Kaya napatigil siya sa pagtawa at humimas sa noo. Tama lang sa kaniya niya 'yan.

"Bakit ba gustung-gusto mong sinasaktan ako? Sobrang sakit na sa puso, ah!" reklamo niya at umaktong iiyak. Noo ang sinaktan ko sa kaniya, hindi puso. Oa ka ba?

Hindi ko na lang siya pinansin at uminom na lang sa tubig ko. Hindi na rin siya umimik at nagpatuloy na lang sa pagkain niya. Sunud-sunod ang subo niya kaya nabulunan siya. Umubo-ubo siya habang sinusuntok ang dibdib niya kaso lalo siyang inubo kaya akala ko mamamatay na siya. Agad niyang kinuha 'yong bote ko ng tubig at uminom doon. Sayang, dapat inubos ko na 'yong tubig ko kanina.

Humugot siya nang malalim na hininga pagkatapos ng delubyo niya. "Akala ko mamamatay na ako kanina," mahina siyang tumawa. Gusto ko sanang sagutin ng "sayang hindi nangyari" kaso nagsalita ulit siya. "Indirect kiss din 'yon!" at dumapo ang tingin niya sa bote kong hawak niya.

Ah, ngayon ko lang narealise. Putangina niya. Pabalya akong tumayo at iniwan siya roon. Paksyet siya. Sinadya niya ba 'yon?!

untitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon