twelve

1 1 0
                                    

"AAAAAAAAAHHHHHHH!"

"Kiel ang ingay mo."

"Ano ba 'yan."

Napahiga ako sa sahig sa sobrang pagod. Katatapos lang namin mag-practice. Ni-isang minuto hindi ako pinagpahinga ni VP Eliot. Pero 'yong mga kasama ko, thirty minutes pa! Napaka-unfair! Ganito niya ba ako ka-hate? Masakit sa heart, ah! Ako ang President sa club na 'to pero inaalipin ako nang Vice President. Ano bang purpose ko?

Ano nga ba?

"EEEEEEHHHHHHHH!" Nagpagulong-gulong ako sa sahig kasi wala akong maisip na purpose ko kundi maging alipin ni VP Eliot.

"Kuya Kiel, 'wag ka po maingay. Nagme-memorize po kami dito," suway no'ng isang member kaya tumahimik na lang ako at dumapa sa sahig.

Namimiss ko na si Miks. Tahimik akong umiyak kahit wala namang luha na tumutulo. Gusto ko na siyang makita. Pero panigurado nakauwi na siya kasi anong oras na rin. Alas-dos ang uwian nila. Alas-kwatro na ngayon.

Ilang beses kong kinalampag ang sabig habang nagpipigil ng tili. Gusto ko nang makita si Miks pero alam kong imposible kasi ANONG ORAS NA! Titiisin ko na lang na bukas ko siya ulit makikita. Kahit na masakit, titiisin ko na lang.

Isa pang practice ang ginawa namin bago kami tuluyang pauwiin—palayaan ni VP Eliot. Sobrang nakakapagod. Para akong nagtrabaho pero walang sweldo kasi corrupt si VP Eliot. Dumapo ang tingin ko kay VP Eliot na saktong lumingon sa akin.

Tumaas ang kilay niya sa akin bago inayos ang salamin. Aba ang taray sa paningin ko, nakakatakot huhu. Inikutan ko na lang siya ng mata nang sobrang lupit at flinip ang invisible long hair ko bago siya tinakbuhan. Narinig ko pa ang malakas niyang tawag sa pangalan ko pero bakit ako babalik sa kaniya? Ayoko nga. Alam ko namang babatukan niya lang ako.

Ayoko maging bida ng play namin ngayon. Bakit kasi Romeo and Juliet pa ang napili nila? Marami namang iba dyan na pwedeng i-roleplay bakit 'yong masyadog common pa? Napanguso na lang ako dahil kapag hindi masyadong kilala ang piece na iro-roleplay namin, walang tatangkilik sa amin.

Kulay kahel na rin ang kalangitan dahil sa papalubog na araw. Lulubog ang araw ngayon na hindi ko nakikita si Miks ngayong hapon. Kakamiss naman talaga siya, oh. Wala man lang ako pic niya. Oo nga, 'no! Hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya sa social media. Pati apelyido niya hindi ko alam.

Umupo ako sa waiting shed na katabi ng gate pagkalabas ng school. Dito ako naghihitay ng jeep pauwi—pero may social media kaya si Miks? Hindi ko pa siya nakikita na may hawak na cellphone. Pero hindi pa rin naman kami ganun kadalas magkita kaya hindi ko rin masabi. Baka madalang lang siyang gumamit ng cellphone?

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko ang sa bulsa ang cellphone ko pero bago ko mailabas ay huminto na ang tawag. Napatay ko ba? Sinilip ko ang cellphone ko pero wala namang missed call. Huh?

"Hello?"

Dumapo ang mata ko sa nagsalita na dalawang upuan ang layo sa akin pero sobrang pamilyar sa akin. Hindi pala sa akin 'yong cellphone na tumunog, kay Miks pala. Siguro dahil sa kakabulong ko kay tadhana na sana makita ko ngayon si Miks ay wala siyang choice na pagbigyan na lang ako. Siguro nairita na sa akin. Pero okay lang, worth it naman.

Naglakad ako palapit sa kaniya at hinintay na matapos ang tawag. Nakatayo lang ako sa tabi niya habang nagsasalita siya. Siguro sa sobrang focus ko sa kagandahan niya, wala na akong naririnig sa paligid. Ano ba kasing ganda 'yan, nakakawala sa tamang pag-iisip.

Kasing kulay ng gabi ang mga mata niya na kapag dumapo sayo ay para kang hihigupin ka papuntang kalawakan. Mahaba rin at pilantik ang pilik-mata niya, para siyang dyosa sa paningin ko. Lalo na ang manipis at pinkish na labi niya. Ano kaya pakir—hindi, hindi ko 'yon iniisip! Napaiwas ako ng tingin sa labi niya.

Pakiramdam ko mag-ooverheat ang buong sistema ko dahil sa sobrang pagprocess ko ng ganda niya. Baka mamaya mag-nosebleed na ako.

Busy pa rin siya sa kausap niya at mukhang hindi niya pa rin ako napapansin dahil sobrang okupado niya sa kausap. Sino kaya kausap niya? Umiling ako, baka magalit siya kapag naki-usyoso ako.

Saglit lang ay binaba na niya ang cellphone at doon lang ako tuluyang napansin. Aaaah, ang ganda pa nang paglingon niya sa akin. Pwede bang tigilan niya na pagiging maganda sa paningin ko? Hindi ko alam kung kakayanin ba ng puso ko ito. AAAAAAAAAAAHHHHHHH!

"Ah," at tumingala sa akin. "Ikaw pala, Kiel," saad niya gamit ang boses niyang nagpapakilig sa kaibuturan ko kapag naririnig. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Lahat ng ginagawa niya ay may palaging suntok ng kilig sa dibdib ko. Mamamatay ata ako nang maaga dahil sa kilig.

"H-Hi!" Rinig na rinig ko pa ang pagpiyok ko sa simpleng pagha-hi sa kaniya. Nakakahiyaaaaaaaaa! Napaiwas tuloy ako ng tingin. Baka makita niya pamumula ko.

"Upo ka," at tinapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya na sinunod ko naman kasi kanina ko pa talaga gustong umupo sa tabi niya. Buti na lang hindi niya napansin na pumiyok ako—"Nagbibinata ka na, a," saad niya pagkaupo ko.

AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!

AYOKO NAAAAAAAA! Hindi ko alam kung tinalo ko na ang kulay ng kamatis sa pagkapula ng pisngi ko at saan ko nakuha ang lakas ng loob kong harapin siya kahit hiyang-hiya na ako. "Binata na kaya ako!"

Bahagyang kumunot lang ang noo niya pero tagos na tagos na sa dibdib ko ang pagtutol niya. Bakit sa ganitong kaliit na kilos niya e kayang-kaya niya pa rin akong saktan? Love hurts ba talaga? Huhuhu.

"Binata naman na talaga ako, ah! Bakit hindi ka naniniwala," atungal ko sa kaniya at ngumuso.

"Hindi halata," maikling sagot niya.

Mas humaba ang nguso ko sa sinabi niya. Gustung-gusto niya talaga na sinasaktan ako, ano? 'Di bale, siya naman 'to. Alam ko namang hindi siya aamin kasi shytype siya. Sino bang hindi mahihiya sa akin? E nakakahiya naman talaga ako. Huhuhuhuhuhu.

Tumunog ang cellphone niya kaya parehas na napunta sa cellphone niya ang atensyon namin.

"May nagtext," at saka binasa ang message.

Hindi ko sinubukang basahin 'yong message sa kaniya kasi hindi naman ako tsismosa. Ganda-ganda kong lalaki, makiki-usyoso lang ako. Ha, never. Saka privacy niya 'yon. Pero naku-curious ako. But I'm a man, maganda akong nilalang.

Tumayo si Miks pagkatapos niyang mabasa ang message sa kaniya. "Uuwi na ako," paalam niya sa akin.

Tumayo na rin ako para umuwi. Medyo bitin ako sa pag-uusap namin pero okay na rin, sapat na iyong makita ko siya ngayon. Nawala rin kahit papaano pagod ko sa ganda niya. Syet, kakilig.

"Ingat ka!" paalam ko at saka siya kinawayan. Kumaway rin siya pabalik sa akin bago tuluyang maglakad palayo.

Mukhang masarap tulog ko ngayon, ah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

untitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon