two

9 4 0
                                    

Kinabukasan, papasok pa lang ako ng klase ko, may nakasunod na sa akin. No'ng una, madali siyang hindi pansinin pero no'ng tumagal, hindi na. Hindi na rin ako natutuwa. HIndi naman kasi talaga nakakatuwa presensya niya sa una pa lang.

Nakaramdam ako ng kalabit galing sa likod ko. "Pst."

Napapikit ako. Akala ko ba natapilok 'to? Bakit 'to pumasok ngayon? Sinipa ko rin 'yong pilay niya, bakit siya pumasok? Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Oy." Kumalabit ulit siya.

Aaminin ko, maiksi ang pasensya ko—mas maiksi pa sa isang hibla ng pilik-mata—pero kailangan ko munang pahabain iyon. Ayokong sumabog sa hallway. Masasapak ko siya.

"Mahal," at muling kinalabit ako.

Mahal?! Gago ba talaga siya?! Huminto ako at humarap sa kaniya. Muntik pa niya akong mabangga dahil sa biglaang paghinto ko. Tumama ang kamao ko sa dibdib niya—doon lang umabot, e. "Wala ka bang magawa sa buhay mo?" angil ko sa kaniya.

"Marami!" sagot niya. "Una doon 'yong paghingi ng sorry sayo tungkol sa nangyari kahapon," paliwanag niya at ngumiwi nang makitang tumaas lang ang kilay ko sa kaniya. Nakuha niya naman siguro na hindi ko siya pinapaniwalaan, 'di ba? "Seryoso ako. Nakokonsensya ako tuwing iniisip kita," ngumuso siya.

Iba 'yong dating no'ng huling pangungusap sa tenga ko. Gusto ko tuloy na mabingi na lang. "Oh tapos?" pag-ignora ko sa sinabi niya.

"Pasensya tungkol sa nangyari kahapon. 'Yong paghawak ko sayo na hindi mo nagustuhan, 'yong pangungulit ko sayo—basta lahat," yumuko siya habang sinasabi iyon.

Huminahon ako. "Okay," at tinalikuran siya. May lugar naman lagi sa pagpapatawad, huwag lang pairalin ang pride. Kinakain kasi no'n 'yong salitang pagpapatawad.

"Ooohh? Bati na tayo?" Muli ay sumunod na naman siya.

Bakit ba 'to sunod nang sunod sa akin? Wala nang dahilan para sundan niya pa ako. Nag-sorry na siya, wala nang ibang dahilan para makonsensya siya. O baka gusto niyang madagdagan sakit niya sa katawan?

"Sure ka, bati na tayo? Ano ibig sabihin no'n? Friends na tayo?" at sumabay siya sa lakad ko habang naghihintay ng sagot. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Dahil friends na tayo, ano name mo?" ngiting-ngiti niyang tanong. Ang laki-laki niyang tao, para siyang bata kung umasta sa harap ko. Nakakairita.

"Friends mo ulo mo," matalas kong sagot sa kaniya.

"Saang ulo ba?"

Sinipa ko siya sa binti niya. Putangina niya. Kung anu-anong lumalabas sa bibig niya. Pati kabastusan, hindi pinatawad.

Napatalon-talon siya habang hawak-hawak ang binti niyang sinipa ko. Kumikintab ang matang tumingin siya sa akin. "Bakit ba ang sadista mo, kahapon mo pa ako sinasaktan!" nanginginig ang boses niyang reklamo sa akin. "Hindi mo na ba ako mahal?" kumikibot ang labi niya sa sakit.

"Masasaktan ka talaga kapag hindi ka umayos," at iniwan siya roon. Gago siya.

"Gusto ko lang naman malaman pangalan mo, e," habol niyang sigaw pero hindi ko siya pinansin. Ayoko nga, bahala siya sa buhay niya. Umirap ako.

✧ ✧ ✧

author's note:

expect that each chapter will be short. eheheheheheh

untitledWhere stories live. Discover now