five

4 3 0
                                    

Pumasok akong walang nakasunod sa akin. Ang saya ng puso ko kasi matatapos ko ang araw nang hindi siya nakikita o natatanggap na pang-iinis galing sa kaniya.

Kung manggugulo pa siya sa akin ngayon, mag-aaya na lang ako ng suntukan. Pero hindi siya pwedeng sumuntok sa akin.

"Good morning, Miks," bati sa akin ni Irene nang makapasok ako ng silid. Nagtatakhang tiningnan ko lamang siya.

Hindi niya naman ako binabati dati kapag pumapasok ako ng room, anong meron sa kaniya ngayon? Nginitian ko na lang siya pabalik. Ah, nakalimutan kong magsalita sa sobrang pagtatakha ko sa kaniya.

Napatitig ako sa isang pirasong bulaklak ng pulang rosas sa desk ng upuan ko. Saan naman galing 'to? Umikot ang paningin ko sa buong silid. Lahat sila ay nakatigin sa akin, curious din kung sino ang naglagay ng rosas sa mesa ko.

Nakita kong nakangisi sa akin si Irene. Hindi kaya may alam siya? Umupo na lang ako sa upuan ko at kinuha ang papel na kasama ng bulaklak.

"Sorry tungkol sa nangyari kahapon."

Panigurado si Kiel 'to. Siya lang naman ang may kasalanan sa akin kahapon. Sinilid ko sa bag ko ang bulaklak. Mas maganda sana kung kulay yellow na tulip ang binigay niya pero ayos lang naman dahil hindi naman niya alam na paboritong bulaklak ko iyon.

Pero mas maganda talaga na hindi siya nagpakita sa akin ngayon.

Dumating na ang guro namin sa unang subject at may hawak siyang papel. "Lahat ng members ng Drama Club ay excused," saad ng guro matapos basahin ang nakasulat sa papel. "Irene, labas na. Nasa Drama Club ka, 'di ba?"

"Yes po. Salamat, Ma'am!" Agad na tumayo si Irene at lumabas ng silid.

"Anong meron, Ma'am?" tanong ng isang kaklase ko.

"Arts month ngayon kaya nagpeprepare sila para sa upcoming performance nila. Support niyo si Irene, okay? Female lead ata role niya," at tumingin ulit sa hawak na papel.

"Yes, Ma'am!"

"Start na tayo ng class."

untitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon