seven

2 3 0
                                    

Nakaupo sa harap ko si Kiel. Tinititigan lang ako habang nakangiti. Hindi naman ako makakain nang maayos kasi kanina pa siya nakatitig sa akin.

"Kumakain ako," saad ko.

"Alam ko," at mas lalong lumawak pa ang ngiti.

"Pwede bang huwag mo akong titigan?" Tumaas ang kilay ko.

"Ayoko," sagot niya at nangalumbaba.

Sumakit lang ulo ko sa kakulitan niya. Akala ko kapag nagalit na ako sa kaniya, titino na siya. Hindi pa rin pala.

"Ay oo nga pala." Nawala ang ngiti niya at seryosong tumitig sa akin. "Sorry talaga sa nangyari kahapon," at sumubsob sa mesa. "Pakisabi lang sa akin kung sumusobra na ako. Pasensya na talaga, masyado akong makulit," patuloy niya.

Napakamot ako ng kilay dahil sobrang lakas ng boses niya. Pati 'yong nasa kabilang table napapalingon sa amin dahil sa ingay nitong kaharap ko. Nakakahiya!

Inabot ko ang ulo niya at tinulak iyon pataas. "Tama na, masyado kang maingay," bulong ko sa kaniya at bahagyang yumuko kasi dumarami na ang tumitingin sa amin. "Ayos na tayo, pwede ka nang manahimik."

Kuminang ang mata niya sa sinabi ko. "'DI NGA?!"

Napapikit na lang ako sa sigaw niya. Hindi ba niya ma-control sarili niya kapag natutuwa? Para siyang bola ng saya at pagkahyper. Condensed na condensed 'yong bola kaya hindi mo alam kung kailan mauubos o matatapos.

"Ay hala," bulong niya at napatakip ng bibig.

Sumubo ako ng siomai sa sobrang stressed sa taong nasa harap ko. Parang kulang ata ang nabili kong siomai. Napatitig ako sa tatlong natitirang siomai na kanina ay lima.

"Hindi mo ako susubuan, Miks?"

Sumama ang tingin ko sa sinabi ni Kiel. Kumakapal na naman mukha niya por que napatawad ko na siya—palagi nga pa lang makapal mukha niya. "Bumili ka nang iyo," angil ko sa kaniya.

"Bumibili na si Ross."

"Edi hintayin mo."

"Pero nagugutom na ako," at nagmamakaawang tumingin sa akin. "Kahit isa lang," umungot siya at pinagdikit ang dalawang hintuturo.

Inusog ko ang cup ng siomai ko papunta kay Kiel. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin saka sa siomai na inusog ko. Bumuga ako ng hangin ng marealise ko ang gusto niya. "Hindi kita susubuan, hindi ka naman baby," at uminom sa tubig ko.

"Pero baby mo 'ko."

Parang may pumitik sa kaloob-looban ko, ha. Parang gusto kong manaksak gamit ang stick ng siomai. Hindi ko siya pinansin. Bahala siya dyan.

"Pwede ba akong manligaw?"

Nahampas ko ang mesa. Hindi niya ba kayang tigilan ako roon? Tinitigan ko siya. Para siyang tuta na napagsabihan ng amo sa tiklop ng katawan niya. "Una, 'wag na 'wag ka nang magtatanong tungkol dyan. Pangalawa, ayokong hinahawakan nang basta-basta. Pangatlo, hahayaan kitang mangulit sa 'kin kahit kailan mo gusto, titigil ka kapag sinabi ko," seryosong saad ko sa kaniya.

Nakayuko pa rin siya. "Pero pwede kong iparamdam pagmamahal ko sa 'yo?"

"Ikaw bahala, kung 'yon ang paraan mo sa pangungulit." Pinagmasdan ko ang puyo niya. Dalawa pala kaya sobrang kulit.

Umangat agad ang ulo niya. "Pagmamahal 'yon! Hindi pangungulit!" atungal niya.

"Ikaw bahala," nagkibit-balikat ako.

"Hindi ka naman naniniwala, e!" at parang batang nagtantrums sa harap ko.

Tumusok ako ng siomai ay tinutok iyon sa bibig niya. "Ah," utos ko. Napatitig siya sa akin saka bumaba ang tingin sa siomai na tinusok ko.

Ngumanga na siya kaya sinubo ko na sa kaniya ang siomai. Nakatitig lang siya sa akin habang nginunguya ang nasa bibig.

"Sabi ko na nga ba, e. Baby mo ko," asar niya matapos lunukin ang kinakain.

Napangiwi ako. Mabuti na lang at nasubo ko na 'yong siomai sa kaniya. Baka kung ano pang magawa ko at masaksak ko siya sa lalamunan kasama no'ng siomai.

"Tumigil ka nga, baka masabihan kita ulit ng "'wag kang magpapakita sa akin," umayos ka," banta ko sa kaniya at kinuha ang siomai ko sa harap niya.

Ngumuso lang siya.

untitledWhere stories live. Discover now