eight

6 4 0
                                    

"Kiel, ito na pinabibili mo," bungad no'ng kasama ni Kiel kanina sa pila at umupo sa tabi nito. Nilapag niya ang tray na dala sa mesa. "Footlong ka lang palagi kapag may rehearsal, 'di ba?" tanong niya kay Kiel.

Tumango naman si Kiel at kinuha ang sa kaniya. "Binili mo rin ba 'yong tinext ko sa 'yo?"

"Ah! 'Yong strawberry milk? Oo. Pero allergic ka sa strawberry, 'di ba?" nagtatakhang tanong ni Ross kay Kiel at sumubo sa adobong binili.

"Hindi naman ako 'yong iinom," sagot niya rito at kinuha ang box ng strawberry mik sa tray.

Napatitig ako sa karton nang itulak niya ito papunta sa akin. Akin 'to? Umangat ang tingin ko kay Kiel at tinuro ang sarili?

Tumango siya at kinagatan ang footlong na hawak. Nakatitig lang ako sa kaniya. Baka nga siya talaga 'yong nagbigay ng ganito sa akin kaninang recess.

Napansin niyang kanina pa ako tulala sa mukha niya kaya napalunok siya agad para magsalita. "Gusto mo ng footlong ko o sadyang gwapo lang  ako sa paningin mo?" at tinaas-taas ang kilay niya.

Sumama ang tingin ko sa kaniya at padabog na tinusok ang straw sa tetra pack. Maingay kong sinipsip ang laman habang pinipiga ang karton. Masama lang ang tingin ko sa kaniya habang inuubos ang laman.

Napaiwas siya ng tingin sa akin at napakapit sa braso ng katabing nakanganga na sa akin. "Miks, n-nakakatakot naman n'yan," bulong ni Kiel.

Nang maubos ko ang laman ng tetra pack ay nilapag ko iyon sa harap niya. "'Wag mo nang uulitin 'yon, ha?" ngumiti ako sa kaniya. "Baka ganito mangyari sa buhay mo kapag hindi ako nakapagtimpi," nakangiti pa rin ako sa kaniya.

Mukhang masama ang sikmura niya dahil sa itsura niya ngayon. May tumutulo pang butil ng pawis sa noo niya. 'Yong katabi niya sunud-sunod ang subo sa kinakain at dumating siya sa puntong nabubulunan na siya.

Nagpanic sila parehas ng umubo siya nang malakas. Inabot ni Ross ang tubig na binili niya pero dahil sa sobrang pagpapanic niya, hindi niya mabuksan iyon. Kaya inabot niya na lang 'yong tubig ko at doon uminom.

Nakangangang tumingin si Kiel sa katabi niya.

"Woah! Akala ko mamamatay na ako. Salamat sa tubig, tol," mahinang tumawa si Ross at nilapag ang bote ng tubig sa harap ni Kiel.

Hinawakan lang ni Kiel sa kwelyo si Ross at inalog-alog, masama ang tingin sa lalaki. "Bakit ka uminom sa tubigan ni Miks," patuloy pa rin sa pag-alog si Kiel sa kasama. "Alam mo bang indirect kiss iyon?!" halos maiyak na si Kiel habang inaalog si Ross.

Kumunot ang noo ni Ross noong una pero namutla siya nang makuha ang nangyari. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, natatakot sa susunod na mangyayari. "H-Hindi ko alam, akala ko kay Kiel iyon kasi nasa gitna ng mesa tapos. . . tapos ano. . . ano. . ." kung saan-saan napupunta ng tingin niya at hindi makatingin sa akin. Pinagpapawisan na siya sa kaba at halos maiyak na. "Hindi ko talaga sinasadya!"

Tatlo lang kami sa mesa pero sobrang gulo na nilang dalawa. Ang ingay pa kaya marami na namang nakatingin sa amin. Mas lumawak ang ngiti ko sa kanila para malaman nilang hindi na ako natutuwa sa komosyon na ginagawa nila.

Tumayo ako. "Alis na ako," paalam ko sa kanilang dalawa. "Sa susunod ulit," at naglakad na palabas ng canteen.

Kahit saan talaga! Hindi matawaran ang kakulitan no'n ni Kiel! Bumuga ako ng hangin. Tangina.

untitledWhere stories live. Discover now