ten

3 3 0
                                    

Nakatakas nga kami ni Ross kay VP Eliot pero kay Sec. Ramos, hindi.

Nakangiwing tumatawa ako sa harap niya. "Hehehehehehe."

Tumaas ang kilay niya at lalong nandilim ang mukha. Parang kahit anong oras, ibibitin niya na kami sa puno nang patiwarik. Huwag naman sana. Mahal ko pa buhay ko. Huhuhu.

"Sabi mo no'ng nakaraan, a-attend ka na ngayon. Bakit nasa labas ka?" Hindi lang mukha niya ang nakakatakot ngayon, pati boses niya. Parang galing sa ilalim ng lupa 'yong boses niya. Parang demonyo ba—teka—pfft.

Kagat-labi akong nagpipigil ng tawa sa naisip ko. Ang hirap magpigil lalo na kapag nakikita ko mukha ni Sec. Ramos. Yumuko ako para hindi ko na makita mukha niya pero nai-imagine ko bigla na may sungay siya tapos—AHAHAHAHAHAHAHAHAH! Bagay na bagay sa kaniya 'yong nai-imagine ko ngayon! Feeling ko mamamatay na ako ngayon kakapigil ng tawa ko.

Naramdaman ko ang mahinang siko sa akin ni Ross. Nilingon ko siya. "Gusto mo bang mamatay?!" matalas niyang bulong saka tinuro ang lalaking nasa harapan namin ngayon.

Umangat ulit ang tingin ko kay Sec. Ramos na ngayon ay tanging reflection na lang ng liwanag ang nakikita ko sa suot niyang salamin. Ah.

Inayos niya ang suot na salamin ang seryosong tumingin sa akin. "Hindi ko naman alam na ganito mo na pala ka-gustong mamatay, Kiel."

Kung kanina malalim ang boses niya, ngayon may mas ilalalim pa pala. Mas lumalim ang pinanggalingan ng boses niya. May mas ilalalim pa ata ang hukay ko dahil kay Sec. Ramos.

"H-Hindi naman ako tumatawa!" nanginig ang boses ko. Pero kahit siguro anong palusot ko sa kaniya, hindi tatalab. Mukhang hanggang dito na lang talaga ako.

"Kieeeeeeeeeel!"

"AAAAAHHHHHH TULOOOOOOOOOOONG!"

untitledWhere stories live. Discover now