Chapter 25

10.7K 331 15
                                    

Nakatingin sa kawalan, wala na syang magawa kundi ito na lamang. Hindi nya na magalaw ang kanyang katawan at dahan-dahang nawawala ang kanyang lakas. Ibinigay nya ang buhay nya para sa kapatid nya at para iligtas ang mundong ito.

"H-Hindi m-mapapasayo ang kapangyarihan ko."

"Hahaha! Patawa ka talaga Ren, kinukuha ko na nga ito sayo."

Napatigil si Note sa ginagawa cause Ren was smirking.

"Anong ginawa mo?!"sigaw ni Note dahil napansin nyang di sya lumalakas kahit konti.

"A-akala mo bang d-di ko a-alam na m-may s-sumasanib sa akin? Alam kong ikaw ang pumatay sa mga magulang namin, alam kong ikaw ang kumidnap sa amin dahil sa sulat na ibinigay sa akin nang dumating si Angelo. Ibinigay ko na ang lahat kay Angel, nag iwan lamang ako ng konti enough for me to save her."napapikit si Ren with a smile on his face

Dahil sa narinig ni Note, itinapon nya si Ren sa sobrang galit nya. Hindi naman makalapit sina Vivian sa kanya dahil alam nilang iba kung magalit si Note, papatayin nya agad kung sino man ang manggugulo sa kanya.

He can make clones, kahit nagbago na ang itsura ng mukha nya ngayon,.hinding-hindi nya maitatago ang totoo nyang itsura sa clones nya. At dahil magkapatid silang dalawa ni Sky, magkamukha silang dalawa.

Rette ang totoo nyang pangalan, naging Chad ito nung sabay silang lumaki ni Angel, binago nya ulit ito ng Note at bumalik sa nakaraan gamit ang konting kapangyarihang nakuha nya kay Angel. Kasabay ng pagpapalit nya ng pangalan, ay ang pagbabago nya ng kanyang mukha. Naitatago nya ang tunay nyang pakpak pero hindi gumagana ang ilusyong ito sa clone nya.

"Umalis na tayo."

"p-pero pano sina Angel at-"naputol ang sasabihin ni Vivian dahil tinignan sya ng masama ni Note.

"Hindi nila ako matatakasan. Kahit saan man sila magtago, mahahanap at mahahanap ko sila."

Nagising si Angel sa isang silid. Napa-upo agad ito habang nakahawak sa kanyang ulo. May nakita syang lalakeng nakatalikod naka-upo sa upu-an sa may bintana. Puti ang buhok nito at akala nya'y...

"Sky! Nasan tayo? Anong nangyare?"

Napaharap ang lalake sa kanya, napatingin naman si Angel sa mga mata nito.

"S-skylar? A-ang laki mo na. A-anong-" naalala nya agad ang mga nangyare kanina, si Note, sila Sky at Ren, ang mga kaibigan nila.

"Nasaan si Ren? Nasaan ta-"napatingin sya sa lugar, napansin nyang ito yung dati nyang silid sa bahay ampunan.

"Ba't tayo nasa mundo ng mga tao? Nasaan si Ren?"

Lumapit sa kanya si Skylar at niyakap ito.

"Naaalala mo na ako. Na miss kita mom, na miss ko kayo ni dad at tito. 2years! I've been waiting for 2years para makita ko kayo ulit at maibalik ang lahat sa dati."paiyak na sabi ni Skylar, then Angel hugged him back.

"A-anong nangyare?"

"Simula nung nabuksan mo yung kahon ng ala-ala mo, tamang-tama nman ang dating ng Chad, na dati ay si Rette at ngayon ay si Note na. May nakuha syang kapangyarihan sayo, at yun ay ang time traveling."

tumayo si Skylar at pumunta sa may bintana at nagsalita ulit.

"Nawala ka nalang bigla matapos kang napalibutan ng ilaw, bumalik ka pala sa panahong ito. Pinatakas aq ni dad habang pinipigilan nila ni tito ang kalaban. Pero hindi nila matalo ang mga kalaban dahil hindi pa bumabalik sa kanila ang mga kapangyarihan nila. Ikinulong nila sa dad at tito sa kulungan sa ilalim ng mansyon. Pumuslit ako doon at naka-usap silang dalawa. Ibinigay sa akin ni tito Ren ang sulat na ipinabibigay nya para sa kanyang sarili sa panahong ito, limang sulat iyon. Sinabi naman sa akin ni dad na iligtas ka. Sinabi nila sa akin ang mga mangyayare."

humarap ulit si Skylar kay Angel at tinabihan nya ito sa kama. Hinawakan ni Skylar ang mga kamay nya.

"For 2 years, ika-limang beses ko na tong bumalik sa panahong ito. Sa apat na beses sa pagpunta ko dito, I always fail. Iniba ni Note ang nakaraan kaya napagdesisyonan kong pigilan ang ginawa nya sa nakaraan. Nung araw na nagkita tayo, you were not supposed to be there, nasabi ko sa sarili kong this time, I can save you."

"P-pano si Ren? Si Sky?"

"W-wala na si dad."nakayukong sabi ni Skylar, niyakap sya ng mahigpit ni Angel.

Hindi nya namalayang tumulo ang luha nya.

"I-i'm sorry I couldn't save him."

Napapikit si Angel, hindi nya inaakalang mawawala si Sky.

"We don't have time to be like this, kailangan nating iligtas ang tito mo"

"P-pero m-mom--"

"No buts."

hinalikan ni Skylar ang kanyang singsing at lumabas ang kanyang Lion.

Hahalikan na rin sana ni Angel ang singsing nya para ilabas si natsu pero pinigilan sya ni Skylar.

"W-walang teleportation power si Natsu. Si Yuki meron."

Napatango na lamang si Angel at sumakay silang dalawa sa likod ng lion ni Skylar.

Nang marating nila kung nasaan si Ren, hinanap nila agad si Ren. Hanggang sa makita nila ito sa likod ng mga halaman.

"R-ren. Ren wake up."

Hindi parin ito gumising. Nagsimula nang umiyak si Angel. Bigla namang lumabas ang pakpak nito, and dating itim na pakpak nito ay nagbago na, sa kaliwang pakpak ni Angel ay kulay puti na ito, at sa kanan naman ay itim.

Napaluhod si Skylar sa tabi ni Angel at niyakap at hinawakan ang likod nito. Pinipigilan nya ang sarili nyang umiyak. Hindi nya nailigtas ang dalawang mahahalagang tao sa buhay nya.

Niyakap ng mahigpit ni Angel ang katawan ng kanyang kapatid.

Bakit mo ako iniwan Ren? Akala ko ba hindi mo ako iiwan. Bakit? Pati ba naman ikaw?

Hindi mapigilan ni Angel ang pagdaloy ng kanyang luha.

"Ren bakit? Akala ko ba walang iwanan?"

Sobrang sakit ang nararamdaman nya ngayon.

Iyak parin sya ng iyak habang yakap-yakap ang katawan ng pinakamamahal nyang kapatid.

Black Wings Book 1&2Where stories live. Discover now