BW 2 Chapter 19

4.3K 110 8
                                    

↭Ren↭

Tumayo na kaming dalawa ni Angel.

"Guys, mauna na kami sa inyo."sabi ni Nathan tapos tumingin sya sa aming dalawa ni Angel.

"Aalis na agad kayo? Hindi nyo pa nga nauubos yung pagkain nyo oh."Blake

"Sama ako, saan ba kayo pupunta?"Nick

"Sasama din kami!"Rose

"Ahm.. May ipinapagawa si dad sa akin. And Nick, kailangan ka ni dad sa office nya so hindi ka pwedeng sumama."Nathan

Ang cold yata ni nick ngayon ah..

"Eh ba't kasama sila?"Rose

"Oo nga naman."Nick

Napatingin si Nathan sa aming dalawa ni Angel.

"Dad said I can bring the two of them along."Nathan

At umalis na ito.

Sumunod naman kami agad sa kanya.

May sasakyan na palang naghihintay sa amin sa labas ng restaurant, sumakay naman kami agad.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa London."Nathan

"What?! London?"sabay sabi namin ni Angel.

"Joke lang! Hahaha! Sa ***restaurant lang tayo pupunta."Nathan

Bigla naman naglabas ng chocolate mint cookies si Angel. Ito yung binake ni Nathan the other night!

"Want some?"offer ni Angel sa amin ni Nathan.

"Napapansin ko lang ha? Ba't kain ka ng kain? Tataba ka nyan!"

"Eh sa gusto kong kumain eh! Ano bang problema doon?"Angel

"Pahingi ako ng dalawa."Nathan

"Isa ka pa! Lahat ng gusto nyan kainin, binibigay mo agad! Pinapataba mo ba tong kambal ko?"

"Hindi aah! Ibibigay ko rin naman sayo ang mga gusto mong kainin kung hihingian mo ako."Nathan

"Talaga????"

"Joke lang.. Hahahahaha!"Nathan

Abnormal talaga to!

"Sir, nandito na po tayo."sabi nung driver.

Ang bilis ah!

Bumaba na kami at pumasok sa restaurant, pumunta si Nathan sa table kung saan may lalakeng naka suit.

Umupo naman kami sa malapit lang na table at nag order ng pagkain.

"Tignan mo nga sya, mukha syang nagtransform bigla into a serious guy."Angel

"Seryosong tao naman talaga si Nathan ah."

"Weh? Di nga?"Angel

"Oo nga! Ano bang akala mo sa kanya? Isang malaking joke?"

"Bakit? Hindi ba?"Angel

What is my twin thinking? *facepalm*

Dumating na yung order namin. Nag order lang ako ng lasagna, pero si Angel, tuna pesto na pasta, chocolate parfait, chocolate milkshake, at rice meal na fish fillet with butter lemon dip.

"Kaya mong ubusin ang lahat ng yan?" ಠoಠ

"Hindi ah! Share tayo nito! Isa pa, mukhang patapos na rin yung pinag-uusapan nila."Angel

Ha? Ba't ang bilis yata?

After a few minutes, nagkamayan na silang dalawa at umalis na yung kausap ni Nathan tapos tumabi na sya sa amin.

Black Wings Book 1&2Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum