Chapter 28

10.4K 328 12
                                    

Maagang nagising si Angel dahil hindi nya alam kung ano ba dapat ang gagawin nya, pakiramdan nya ay may malaking responsibilidad syang dapat gawin. Dumirecho sa kitchen si Angel, gumawa sya ng maraming sandwiches at naglagay ng gatas sa baso at pumunta sa hardin.

Tagong lugar ito at nilagyan na ito ng barrier ni Sky at kung titignan ng iba ang lugar na ito from the outside ay parang isang malaking puno lamang ito.

Habang kumakain si Angel ay iniisip.nya ang dapat nyang gawin, hindi nya namalayang may tao na pala sa likod nya.

"Ang aga mo yatang nagising."

"Sky, ikaw pala. Want some? Marami din akong ginawang sandwich, akala ko mauubos ko lahat."

"Ang takaw mo talaga, walang pinagbago."kumuha ng isang pirasong sandwich si Sky at umupo ito sa upuan sa tabi ni Angel habang nakangiti.

"I'm happy your alive Sky." mahinang sabi ni Angel, at ang akala nya ay hindi ito narinig ni Sky.

Walang nagsasalita sa kanila ng ilang minuti, nahihiya si Angel kausapin si Sky dahil feeling nya hindi nya mapigilang mamula at baka marinig nito ang pintig ng puso nya sa tuwing kinakausap sya nito.

"Angel I-"panimula ni Sky ngunit naputol ito dagil may biglang namagitan sa kanilang dalawa.

"Good morning! Ang aga nyong nagising ah!"sabi ni Skylar at inakbayan nya si Angel. Kumuha ito ng upuan at nilagay ito sa gitna ni Angel at Sky.

Biglang naglaho ang ngiti sa labi ni Sky.

"Nasaan si Ren?"seryosong tanong ni Sky.

"Nandito ako, sandali lang!" sigaw ni Ren na may hawak na tray na puno ng pagkain.

Lumayo si Sky kina Angel at Skylar, napapagitnaan naman ngayon ni Angel at Sky si Ren. Nasa round table kasi sila ngayon.

Sobrang saya naman ang nararamdaman ni Skylar ngayon dahil sa wakas, buo na ulit ang pamilya nila.

Napatingin naman si Angel sa anak nya at napangiti dahil alam nya kung gaano ito kasaya ngayon.

Napatingin si Sky kay Angel at hindi nya maiwasang masaktan dahil nakikita nyang espesyal ang binatang katabi ngayon ni Angel dahil sa ngiti nito.

Si Ren naman ay hindi nya mapigilan ang sarili nyang mapangiti ng malapad dahil sa nakikita nya.

"Ehem.. Sya nga pala Sky, diba sabi mo clone mo na ang gamit mo nung fourth day natin sa mortal world?"Ren

"Oo, napansin ko kasing iba ang kinikilos ni Note."Sky

"So you decided to leave us there?"

"No. I was watching over....he- the two of you from afar."

"Kailangan nating mag isip ng paraan upang matalo natin si Note."

"Wag kayong mag alala tungkol dyan, may naisip na ako."

Habang seryosong nag uusap ang si Ren at Sky, may iba ding pinag uusapan ang mag ina.

"Naalala ko lang, kamukha mo yung batang lumapit sa akin sa mundo ng mga mortal."bulong ni Angel kay Skylar

"That was me. Ako din yung kumakausap sayo, I was telling you to wake up."Skylar.

"Pero-"

"Ilang beses na akong pabalik balik sa panahong ito. Ilang beses ko na ring sinubukang makausap ka pero kahit anong gawin ko, I'm always too late. Ngayon lang nagbago ang mga pangyayare. "

"Ngayong naaalala ko na ang lahat, hindi parin ako makapaniwala na si Chad at Note ay iisa. And another thing? Paano ba tayo makakabalik sa panahon natin?"

Black Wings Book 1&2Where stories live. Discover now