Chapter 27

9.9K 356 11
                                    

Nang tignan ni Ren kung saan nakatingin ang mag-ina, biglang nanlamig ang buong katawan nya sa nakikita nya ngayon.

Sa labas ng bintana ni Angel, may makikitang isang malaking puno, at sa punong iyon, maraming nakasabit na patay na mystical creatures.

May napansing papel si Ren na nakaipit sa bintana ni Angel, kinuha.nya ito at tinignan ang nakasulat dito.

You can never run away from me. No matter where you hide, I'll always find you.

"He found us!"bulalas ni Ren.

Nilagyan ni Ren ng barrier ang bahay at napagdesisyonan nilang tumakas ulit.

Dumaan sila sa secret passage nila sa basement.

Madilim ang dinadaanan nila ngayon kaya ginamit ni ulit ni Ren ang kapangyarihan nya. Gumawa sya ng  dalawang bolang apoy at pinalutang nya ito sa likuran at harapan nila.

"May nagtatangkang sirain ang barrier, kailangan nating magmadali!"

Pagdating nila sa dulo ay may nahanap silang dalawang pintuan, si Sky lamang ang nakakaalam sa lugar na iyon, kung saan ang tamang daan na dapat nilang pasukin.

Sa isang pintuan, may nakaukit ditong pakpak at espada. Sa kabilang pintuan naman ay isang pakpak na may vines na nakapalibot.

"Ren, san ba tayo dadaan?"tanong ni Angel.

"H-hindi ko alam."

Napatingin sa Skylar sa dalawang pintuan, nang mapansin nya ang itsura ng espadang nakaukit sa pintuan, kahawig ito ng espadang bigay sa kanya ng ama nya.

Lumapit si Skylar sa pintuan na may espada at binuksan ito.

"Dito tayo."sabi nito at agad pumasok ang tatlo.

Pagkasarang pagkasara ng pinto, nilagyan ulit ni Ren ng barrier ang dalawang pintuan.

Nagpatuloy ulit sila sa paglalakad hanggang sa may nakita silang ilaw.

Napunta sila sa isang dead end.

"Akala ko ba ito ang tamang daan Skylar?"reklamo ni Ren.

Lumapit si Angel sa may tubig at napatingin dito.

Doon nanggagaling ang ilaw, sa tingin nya, doon ang daan palabas ng lugar na iyon.

"Tama si Skylar, dito ang tamang daan. Kailangan nating lumangoy palabas dito."sabi ni Angel.

"There's no need to swim."sabi ni Ren at gumawa sya ng isang malaking bula sa tubig. Pumasok sya sa bulang iyon at sumunod naman ang dalawa.

Hindi nila alam kung saan sila lalabas, pero nananalangin si Angel na sana lumabas sila sa isang lugar kung saan hindi sila mahahanap ng kanilang kalaban.

Makalipas ng ilang minuto, hindi parin sila nakakalabas ng lugar na iyon.

"Ang layo yata ng nilalakbay natin ah. Malakas ang agos ng tubig dito sa ilalim kaya dapat sa mga oras na ito nakalabas na tayo, sure ba talaga kayong dalawa na ito ang tamang lugar?"alalang-alala na si Ren sa dinadaanan nila.

"We don't have much choice do we? Nandito na tayo, there's no turning back."sabi ni Angel na halatang nag aalala na rin.

Lumipas ang isang oras, nakatulog na si Angel sa balikat ni Skylar, si Ren naman ay nagfofocus na hindi pumutok ang bula dahil umabot na sila ng isang oras doon.

Di nagtagal, paakyat na ang current ng tubig at lumabas sila sa isang lugar na kahawig ng unang dinaanan nila.

"Bumalik lang yata tayo."sabi ni Ren with a disappointed look on his face.

Napatingin si Angel sa palibot. Napansin nya ang isang maliit na butas sa itaas.

"Hindi, nasa ibang lugar tayo."sabi ni Angel at derederecho itong naglakad papunta sa pintuan.

"Angel! Saan ka ba pupunta?!"sigaw ni Ren na agad namang sumunod kay Angel.

"Hayz.. Si mommy talaga, kung saan saan pumupunta kahit di nya alam kung delikado ba o hindi ang lugar na iyon."sumunod na rin si Skylar sa kanila.

Dumaan ulit sila sa madilim na lugar gaya ng dinaanan nila kanina hanggang sa marating nila ang dulo. Bubuksan na sana ni Angel ang pintuan ngunit pinigilan sya ni Ren at napailing ito.

Dahan dahang binuksan ni Ren ang pintuan. Nang mabuksan nya na ito, napansin nyang isang basement ulit ito at may nakita syang lalakeng nakatalikod at naglilinis ng mga armas. Kinuha ni Skylar ang espada nya at itinutok ito sa likod ng lalake. Lumapit si Angel sa anak nya at humawak sa isang kamay nito.

Itinigil ng lalake ang ginagawa nya at itinaas ang kamay nito.

"Don't move."sabi ni Ren at pumunta sya sa harap ng lalake. Nabigla si Ren sa nakita nya and he signaled Skylar to lower his sword.

Bigla na lamang itong ngumiti at nag manly hug si Ren at yung lalake.

Nabigla naman si Skylar at Angel sa ginawa ni Ren. Humarap ang lalake sa kanila na nakangiti at nabitawan naman ni Skylar ang espada nya.

Bigla namang napasimangot ang lalake nang makita nya si Angel at Skylar.

"Y-you're alive!"masayang sabi ni Angel.

"Who is he?"tanong ni Sky na hindi na maipinta ang mukha.

Biglang natawa si Ren dahil sa reaksyon ni Sky.

"He's-"Ren

Mabilis namang lumapit si Skylar at inilahad ang kamay nito.

"I'm Angelo."

Tinignan lamang ni Sky si Skylar. Hindi nya ito pinansin, instead si Angel ang kinausap nya.

"Angel, its been a long time since I saw you."

"Ha? Are you sick or something? At ba't buhay ka?" hinalikan agad ni Angel ang singsing nya at lumabas si Natsu na may dalang scythe. "Are you really Sky?"dagdag pa nito.

"Ano ka ba? Ako kaya gumawa nung secret passage at ng lugar na ito. Isa pa, clone ko lang ang nakahalubilo nnyo simula noong 4th day natin sa mortal world.

Lumapit si Natsu kay Sky and licked his right palm. Bumalik ulit ito sa tabi ni Angel, hinalikan nya si natsu at naging singsing ito ulit.

Mas humigpit ang hawak ni Angel kay Skylar, napatingin naman si Skylar kay Angel at si Sky sa kamay ng dalawa.

Napatingin si Skylar sa ama nya na ngayon ay parang galit na.

"Sino ka ba?"

"I told you, I'm Angelo."

"So, boyfriend mo?"tanong ni Sky kay Angel.

"What?! No! He's my-"

"I'm gonna be with her in the future."

Biglang tumalikod si Sky at lumabas ng basement. Nagkatinginan si Ren at Skylar  at nagtawanan.

"Anong problema nun? May topak talaga."reklamo ni Angel.

Mas lumakas ang tawanan ng dalawang kalalakihan. Manhid parin si Angel, torpe naman si Sky.

Skylar is planning to make his dad jealous habang naghahanda sila sa nalalapit na labanan and Ren is gonna help him with his plan.

Black Wings Book 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon