BW 2 Chapter 23

4.5K 107 5
                                    

↭Ren↭

"Hey! Akin yan eh!"

"Hindi kaya! Akin 'to!"Angel

"Angel! Ibalik mo yan!"

"Ayoko nga! Paborito ko 'to eh!"Angel

"Pwede buh, wag na kayong mag-agawan dyan! Marami pa namang cupcakes oh!"Nathan

"Ito gusto ko eh!"sabay sabi namin ni Angel.

"Ito nlang nag-iisang chocolate cupcake!"Ren

"Akin na lang 'to Ren. Please!"

"Hayz.. Okay fine!"

"Yeeeey!"Angel

"Pero sa isang condition!"

"Ano?"Angel

"Akin na yung strawberry shortcake."

"What? No! Oh ayan! Lamunin mo yan!"Angel

Hahahaha!

"Ang kulit nyo rin ano? Cupcake lang, pag-aagawan nyo pa."Nathan

"Kaya nga pinag-aagawan kasi cupcake sya!"Angel

"Dapat siguro sa amin ka na tumira Nathan."

"Pwede!"Nathan

"Yeah! Then you can bake with me and Skylar! Hindi ka nga lang makakalabas ng mansion."Angel

"Seryoso kayo dyan?"Nathan

"Oo naman!"sabay ulit naming sabi ni Angel.

Mas mabuti sigurong ilayo namin sya sa pamilya nya. Pero it's really his choice kung sasama sya sa amin o hindi.

Bigla namang may dumating na distorbo.

"I see you're having fun."Nick

"Ano na naman ba ang kailangan mo?"Nathan

"Wooh! Look's like you're in a bad mood today! Dad's on the phone, he wants to talk to you."sabi ni Nick tapos umalis na ito.

Lumabas na si Nathan para kausapin ang dad nya.

Tapos na kaya ni Antoinette yung pag crack ng password? At ano naman kaya yung ibigsabihin ni Nick sa sinabi nya sa mga taohan nila?

Kumakain lang kami ni Angel nang dumating ulit si Nick. Umupo sya sa harap namin at biglang ngumiti.

Anong problema nya? May problema na yata sa utak. Alam nyo na... Croo crooo...

Bumalik na si Nathan at mukhang nagmamadali ito.

"Guys, I need to go. Pinapasunod ako ni Dad sa kanila sa Scotland... Alone..."Nathan

"Bakit raw?"

"I don't know, Pero babalik naman ako agad. Bukas or the day after tomorrow maybe."sabi nya tapos nagmadaling pumunta sa room nya at nag impake.

Hindi parin umaalis si Nick sa harap namin. Ano bang kailangan nito sa amin? Kaya ba nakangiti sya sa harap namin dahil aalis si Nathan at maiiwan kami dito?

"What do you want?"biglang tanong kay Angel kay Nick coldly, and without even looking at him.

He was a little confused at tinuro ang sarili nya.

"Am I the one being asked?"Nick

Angel looked at him like he was so dumb or stupid.

"Sino pa ba ang tatanungin ko ng ganyan? Alangan namang si Ren. Stupid."sabi ni Angel while saying the last word in a whisper, ako lang yata nakarinig.

Black Wings Book 1&2Where stories live. Discover now