Chapter 5 - Natsu

19.3K 641 17
                                    

Hindi parin makapaniwala si Angel sa nangyayare sa kanya ngayon, for the first time in her entire life, sa school lang na ito sya nakaramdam ng pagiging isang normal na studyante.

One week na sya dito at hindi parin dumadating ang SUS. Kahit na hindi lumalabas ang pakpak nya, ok lang din ito sa kanya dahil hindi rin naman pinapakita ng iba ang mga pakpak nila.

Training day nila ngayon, at dahil wala pa syang alam tungkol sa kung ano man ang training na magaganap at sabi ni Ren sa kanya wala pa syang singsing ay umupo lamang si Angel sa isang tabi upang mag observe muna.

Hindi nya ma gets kung para saan ang singsing.

At some point, napaisip syang sya ang pinakamahina sa skwelahang ito. Bakit nga ba sya nahiwalay sa kambal nya? Maraming mga tanong sa isip nya at lalo lang sumasakit ang ulo nya kapag nag iisip sya tungkol sa mga nangyayare sa kanya sa mundong ito kaya naman mas minabuti nya nalang na tanggapin ang kung ano mang bagong pangyayare ang magaganap sa buhay nya.

Sa break nila, naisipan ni Angel na puntahan muna si Skylar dahil busy si Sky at Ren sa training nila.

Nang magkasama na sila Skylar at Angel, napagpasyahan nilang kumain sa garden kahit na hating gabi na.

Sa di kalayuan, may nagmamasid sa kanila. Napatigil si Skylar sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa kung saan nagtatago ang kung ano man itong nagmamasid sa kanila. Napatingin din si Angel sa kung saan nakatingin si Skylar.

"Anong meron Skylar?"Angel

"Hmm"napailing na sabi ni Skylar at nagpatuloy sya sa pagkain nya.

Napapansin ni Skylar na may aninong naglalakad sa madilim na parte na garden, at bigla syang napatayo nang marinig nyang may kung ano na nagtatago sa likod ng mga halaman.

Napatayo rin Angel at dahan dahang naglalakad papunta sa mga halaman.

"Skylar, dyan ka lang."

"P-pero"

"Dyan ka lang.."

Ano ba tong ginagawa ko? Waaaaaa! feeling strong din naman kasi ako.. Alangan naman yung bata ang palalapitin ko sa bushes.. sabi ni Angel sa isip nya.

Nanginginig ang mga tuhod ni Angel habang palapit na sya ng palapit sa mga halaman.

Gumalaw ulit ang halaman kaya napatigil sya.

"Angel"sabi ni Sky. Di nya namalayang nasa likod nya na pala sina Sky at Ren at dahil sa kaba nya.

Gumalaw ulit ang halaman at may lumabas doon na isang buntot.

"Hmmm?puting pusa lang pala."sabi ni Angel. Aatras na sana sya pero pinigilan sya nina Ren at Sky.

Nang tuluyan nang makalabas ang hayop sa likod ng halaman, namangha si Angel.

Hindi ito isang pusa lang, isa itong white lion cub.

"Ang cute nya"\*o*/ sabi ni Angel at tuluyan nang lumapit sa hayop. Hahawakan nya na sana ito pero pinigilan sya ni Ren.

"Baka kagatin ka."Sabi nito sa kanya.

Lumapit kay Angel ang cub at idinikit ang katawan nito sa paa nya. Hindi na nag dalawang isip si Angel at hinawakan nya ang ulo nito at kinarga.

"Ang cute nya talaga!" (o⌒.⌒o)Angel

"So, that's your pet. Ibig sabihin lang nyan eh pwede ka nang magtraining kasama namin"sabi ni Ren.

"Give it a name"sabi ni Sky.

Lumapit kay Angel si Skylar at tinignan ang hayop na bitbit nya.

"He's cute"sabi ni Skylar at hinawakan ang ulo ng hayop.

"Hmmmm.. I'm gonna call him.......   Natsu"Angel

Nabigla si Ren at Sky sa ibinigay na pangalan ni Angel sa lion cub nito.

"What's wrong? pangit ba?"Takang tanong ni Angel.

"N-no.. Its nice"Sky

"Yeah! it's a cute name!"Skylar"Hi Natsu!I'm Skylar"

"Prrrrrr"Natsu

Hinalikan ni Angel ang ulo ni natsu at bigla itong naging puting ilaw.

Pumunta ang puting ilaw sa kamay ni Angel at ito ay naging singsing

"A-anong nangyare" ⊙▂⊙ Angel

"Halikan mo lang ang singsing mo at lalabas ulit ang alaga mo"Ren

Wow! Amazing!sabi ni Angel sa isip nya.

Pumasok na ulit sila sa building at inihatid si Skylar sa classroom nito.

Ang tatlo naman ay may pinuntahang office. Sa office na iyon, walang taong nagtatrabaho doon, puro mystical creatures lamang ang nandoon. Nandoon nakalagay ang lahat ng alagang hayop sa mundong iyon.

I.announced din sa gabing iyon na kinabukasan ay dadating na ang SUS at ang iba pang scythe.

Black Wings Book 1&2Where stories live. Discover now