BW 2 Chapter 7

5.4K 152 5
                                    

↭Angel↭

Wala kaming ibang ginawa ni Ren buong linggo kundi maghatid ng mga kaluluwa sa pintuan.

Parami ng parami ang missing person, parami din ng parami ang mga kaluluwa.

Hanggang ngayon, wala pa kaming balita tungkol sa ginagawa ng council at kung ano na ang nangyayare sa mundo namin galing kina Luna at Ramon.

Isa lang ang nalaman namin. Matapos ipadala ni Ren yung Holy knife at sulat kay ramon, nalaman naming isa sa mga nawawalang death angel yung halimaw na napatay namin ni Ren sa rooftop ng building.

Gabi-gabi kaming sumasabak sa labanan. Maraming death angels ang nawawala, ibig sabihin, dumadami ang mga halimaw sa mundong ito and we don't know the cause of it yet.

Bakit nagiging halimaw ang mga death angels?

Napatingin ako kay Ren na nakatayo sa ibabaw ng isang poste, ako naman nasa roof ng isang 3-story house. May halimaw na naman kasi dito sa isa sa mga bahay dito sa subdivision na ito.

Malalaki ang lot ng mga bahay dito.

He's so serious, at the same time, mukhang excited na naman sya.

The other night, I asked him kung bakit mukhang excited sya every time na mapapasabak kami.

He just answered me, "I just find it exciting, killing bad guys.. It makes me remember about our past and the feeling of wanting to be strong so that I won't lose my twin sister again." Yun yung sabi nya.

Napating si Ren sa akin, we're just few meters apart. Mukhang parating na yung halimaw.

By the way, iba-iba and itsura nila.

This time, mukhang normal na tao lang ang palabas ng sasakyan na halimaw at may kasama ito.

Babae yung halimaw, may kasama itong lalake at mukhang nag eenjoy ang dalawa.

Naghahalikan ang dalawa tapos pumasok sila sa bahay na tabi ng bahay kung nasaan ako.

Lumipad si Ren papunta sa akin at sabay kaming lumipad papunta sa bubong ng bahay kung nasaan ang halimaw.

"Death angel ba yung babae?"

"Yep, ito yung list ng mga nawawalang death angels. She's one of them. 1month na syang nawawala, nagpakita sya ulit as like that 3 days ago."sabi ni Ren at pinakita nya yung list nya.

Matapos kong basahin yung data, binalik ko na ulit ito kay Ren at itinago nya ito sa dala nyang sling bag.

Nung makarinig kami ng sigaw sa loob ng bahay, agad kaming lumipad papuntang pintuan at sinira ito para mkapasok kami.

Pagpasok namin, wala nang malay yung lalake and he was about to be devoured.

"Yow!" Ren playfully said.

Napatingin yung halimaw sa amin na ngayon ay nka bra at panty lang at napaatras ito at napatakbo papalayo, leaving the guy behind.

"Okay na sana eh, kaya lang....."Ren

Pinalo ko agad sya sa braso nya."Ren! Ano ka ba! Adik talaga nito."

"Hehehe"sabi nya tapos nag peace sign sya.

Kinarga ni Ren yung lalake and lay him down sa couch.

"Sino kayo?! Kasamahan ba nila kayo?! Ano pa bang kailangan nyo sa akin?!"sabi nung halimaw.

Nabago kasi ang mukha nito, her face is somewhat like a bat. Ang mga kamay nya, it became hairy and she have claws.

"What are you talking about?"

Black Wings Book 1&2Where stories live. Discover now