BW 2 Chapter 22

4.4K 109 1
                                    

↭Angel↭

Dumating na ang araw ng operation namin.

Nasa labas kami ng bahay ngayon. Sa loob ng shoulder bags nina Bianca, Sara at Antoinette nakalagay lahat ng kakailanganin nilang equipments.

Hawak ni Ren ang mga kamay nina Sara at Antoinette, hawak ko naman ang kamay ni Nathan at Bianca.

Ginamit namin ang invisibility namin ni Ren at naging invisible din silang apat.

Hinatid namin sila kung nasaan yung CCTV operators.

Nakasara yung pinto pero hindi ito naka lock. We turned the knob.

"Sino yan?"tanong ng isang lalake sa loob.

I have an idea!

I gave them a sign na tumahimik lang sila.

"Kumatok ka."bulong ko kay Bianca.

Kumatok naman sya.

"Sino nga yan?"sabi ulit ng nasa loob.

"Sir, may dala po kaming pagkain para sa inyo."

Bumukas yung pinto and may nakita akong 3 pang kasama nito, dalawang nagbabaraha at isang natutulog sa monitor.

Isinara agad nung lalake yung pinto at ni lock ito.

"Oh! Nasaan yung pagkain?"

"Walang tao eh. M-multo ata."

"Jinojoke time mo na naman kami! Kahapon ka pa nyang multo-multo mo na yan."

Pinakatok ko ulit si Bianca, at pinahanda ko na kay Sara yung Sleeping gas nya para itapon sa loob.

Kumatok ulit si Bianca.

"Sir, yung pagkain nyo po!"

"Wag nyong bubuksan!"

"Hahahaha! Pagkain din 'to noh!"

Binuksan ulit yung pinto at itinapon agad ni Sara yung hawak nya sa loob.

Binitawan ko sina Bianca at Nathan at itinulak yung lalakeng nagbukas ng pinto sa loob and I closed the door.

Kinuha ni Bianca ang anim na mask sa bag nya at isinuot naman namin agad ito.

Tumba ang tatlong lalake pagpasok namin, at yung isang natutulog sa harap ng monitor? Ayun, tulog parin.

Tinulak ni Antoinette yung lalakeng nasa harap ng monitor at natumba ito sa floor.

Tinanggal na namin yung mask.

"You seem flustered? Are you alright?"tanong ko kay Nathan.

"Okay lang yan, he's just shocked."sagot naman ni Ren habang tumatawa.

"May dalawang oras lang tayo dito ha? Magigising ang apat na 'to after two hours."Sara

May ibinigay sa aming dalawa ni Ren si Bianca. Dalawang phone? And isang headset?

"Dito tayo mag-uusap. Tapos yan naman. Dyan nyo malalaman kung may ibang tao." She turn it on at ipinakita kung paano gamitin.

"See that 6 blue dots? That's us. The red ones, yan yung ibang tao."dagdag pa nya.

Ginamit ulit namin ni Ren ang invisibility namin at lumabas na kami.

***

↭Nathan↭

Black Wings Book 1&2Where stories live. Discover now