Chapter 22 - Angelo

12.6K 375 14
                                    

†Angel†

It's been 3weeks since the death of our parents.

And it's been 3weeks since Ren and I came back here in our world.

Hindi parin nakabalik sina Sky and Note.

At hindi ko na narinig ulit ang boses na ako lamang ang nakakarinig.

Akala ko nga nababaliw na ako eh, kung ano-ano na lang ang naririnig ko.

3 weeks na rin na hindi ko nakakasama si Ren ng matagal, puro training na lamang ang ginagawa nya.

Nagkikita na lamang kami kapag nasa dining table na.

May mga araw din namang pinupuntahan nya ako sa garden dahil doon ako tumatambay

May mga araw na pumupunta ako sa gubat sa likod ng mansyon hanggang sa marating ko ang lawa at doon ako sekretong nagtetraining.

I'm always making sure that no one is following me kapag pumupunta ako doon.

Gabi na at nandito ako sa may bintana, si Ren naman ay maagang nagising at sigurado akong nag eensayo na ulit yun. Mamaya ay pupunta na naman ako sa garden.

Iba ang oras dito, sa gabi kami gising at sa umaga tulog.

May biglang kumatok sa pinto. Paglingon ko, pumasok si Ren sa silid ko.

Ah! Nakalimutan ko, may isang bagay pa palang nagbago. Nasa separate rooms na kami natutulog ng kambal ko. Dito ako sa dating room namin na sibrang laki na tignan dahil inilipat nya ang kama nya sa kabilang room.

"Kain na tayo."Ren

Tumango na lamang ako at sinundan sya papuntang dining room.

Nagsimula na kaming kumain. Ang tahimik, nakakalungkot ang ganitong sitwasyon.

Alam kong nahihirapan ngayon si Ren, nahihirapan rin naman ako pero kailangan kong tanggapin na wala na ang mga magulang namin.

Ang nakapagtataka lang, parang alam ko nang mangyayare ito sa amin.

Naguguluhan ako sa sarili ko.

"Angel, ok ka lang ba?"Ren

"O-oo naman. Bakit?"

Napatingin si Ren sa plate ko, kaya tinignan ko rin ito.

Durog na ang pagkain ko, kanina pa pala ako slice ng slice dito.. ~_~"

"Hehehe, para di na kailangan pang yungain ng matagal. Hehehe"

"Hmm.. if you say so."Ren

"Babalik pa ba tayo sa school? May nakapagsabi kasi sa akin na pipili na ng scythe ang students."

"Para saan pa? May scythe na tayo."

"Sabu ko nga.":(

Nagpatuloy na lamang akong kumain.

Tumayo bigla si Ren.

"Tapos ka na? Ang bilis naman."

"May gagawin pa kasi ako. Hindi ako makakasabay sayo kumain mamaya."

Tumango na lamang ako.

Pupunta na lang ako sa may lawa mamaya.

"Butler Ben."

Dumating agad si butler Ben sa likod ko.

"Sa garden ako kakain mamaya, and ayokong ma istorbo mamaya so iwan nyo lang ang pagkain sa gazebo."

"Yes my lady."Butler Ben.

Matapos kong kumain, dumirecho na ako sa may lawa.

Humiga agad ako sa may damuhan at pinagmasdan ko ang mga bituin.

Black Wings Book 1&2Where stories live. Discover now