BW 2 Chapter 27

4.5K 107 9
                                    

↭Ren↭

Dali-dali kaming pumunta kung nasaan si Nathan. Who would have thought that he's a faerie prince? And Colein is his sister?

Nang marating namin ang lugar, nagkagulo agad ang lahat ng nakabantay sa labas.

Hindi kami pumunta dito ng walang backup. Kasama namin ang warriors namin and ang knights ng faerie king.

Napag-alaman kasi namin kay Note na may masamang plano si Colein sa faerie world at dito sa mundo namin. She will use the monsters she created and will create more.

"So all this time, you've been spying your wife?"

I stabbed the one running towards me.

"Oo, mahirap kasi kapag magkasama kami, I can't spy on her. Iniwan ko muna c Margaret sa kanya just to assure her na babalik ako."sabi ni Note after slashing one enemy in front of him.

"Is she obsessed with you?"sabi naman ni Angel while swirling her scythe and killed 5 of the monsters.

"Well, kinda.. It started after our wedding. She went even crazier after giving birth."Note

Nasa bahay lang sina Skylar at Margaret. Even though gusto nilang sumama, we didn't let them dahil hindi pa nila fully controlled yung powers nila.

Si Sky at King Vieny naman ay nasa mga palasyo nila, giving orders to their generals, mobilizing the troops. At kasama ni Sky sina Luna at Ramon.

Tumakbo kami papunta sa bahay pero may tatlong malalaking halimaw at dalawang faeries ang humarang sa aming apat, Note, Angel, Alex and me.

"Oh no.."Note

"Bakit?"Angel

"Those two are the most notorious killer sa faerie world."Note

"Aahm.. So I'll get the 3monsters and you 3 deal with those two."sabi naman Angel at lumipad sya papalapit sa isang halimaw.

Those monsters are gigantic, they're more than 6ft tool and they are really big.

"Sigurado ka bang kaya mo yang tatlong yan Angel?"sigaw ko para marinig ako ni Angel.

"Oo!"she shouted back.

"Alex, you go on ahead. Try and save him quietly."

"Okay. See you later Ren."sabi nya and kissed me on the cheek then ran at the back of the house.

Napatulala ako until Note nudged me.

"Hui! Focus Ren!"sabi ni Note.

↭Nathan↭

Colein kept pacing back and forth. Si Nick naman ay lumabas para lumaban.

"Y-you know what? I should really kill you now. But where's the fun in that? I-i-i should let them watch you die.. Ha! Haha! Hahahaha!"sabi nito sa akin.

"Colein, hindi mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman ng anak mo sa ginagawa mo?"

She stopped pacing at napaharap sya sa akin.

"That kid? I hate that kid!! Why would I even care about her feelings?! Matapos kong iluwal yung batang yun, ang attention ni ama at ng asawa ko ay nasakanya na! Sana hindi ko nalang sya iniluwal o pinatay ko na sana sya habang nasa sinapupunan ko pa sya! They adored me before, but it all changed when that child was born!"

"You're crazy! She's your daughter!"

She looked at me furiously then she suddenly smiled.

"You can say anything you like, you'll be dead later anyway."

Naglakad si Colein papunta sa isang silid, but before entering and closing the door, inutusan nya muna ang mga tauhan nya. "Guard him. I'm going to direct our troops to attack the castles."sabi nito tapos isinara nya na ang pinto.

There are four men guarding me, nakatingin lang silang apat sa akin.

Then suddenly, natumba bigla yung isa sa kanila. Napatingin naman yung natitirang tatlo sa natumba at bigla silang nagpanic.

Then another one went down again.

"Magpakita ka!"sigaw nung isa.

Lumabas naman bigla si Alex at pinatumba yung natitirang dalawa.

Tinanggal nya agad yung mga tali ko at nung palabas na kami ng pintuan, bigla namang lumabas si Colein sa silid.

"Aaaaargh!"sigaw nya at namumula na ang mukha nito sa galit.

Agad naman itong tumakbo papunta sa amin at dali-dali naming isinara yung pinto palabas.

↭Sky↭

I can't stop thinking about Angel. Is she alright?

Ilang beses ko na ba syang nasaktan at napa-iyak? Matagal ko na syang hindi nakakasama na kami lang dalawa. Maybe I should surprise her. Matagal na kaming hindi nakakapag-usap ng matagal.

I hope everything that's happening will end soon.

"King Sky! Umaatake na ang mga halimaw sa northeast ng kaharian."pag rereport ni Ramon sa akin.

"How about the other royalties?"

"They're all at the headquarters."Ramon

Tumayo na ako at isinuot ang black cloak, hindi nila makikita ang mukha ko. I'm gonna join the battle, I'm death himself anyway.

↭Angel↭

Tamang-tama ang paglabas nina Alex at Nathan. Kakatapos ko lang patumbahin ang mga malalaking halimaw. He looked kinda sick. Nakaakbay si Nathan kay Alex, at maputla ito.

"Nathan, okay ka lang? Anong nangyare? You look sick."

"I'm fine."sagot nito sa akin.

Bigla namang bumukas ang pinto ng bahay at lumantad ang nagagalit na mukha ni Colein at may hawak itong baril. Agad ko namang itinago si Nathan sa likuran ko, hiding him behind my wings.

Nabigla ito ng makita nito ang asawa nya.

"Rei! Shin!"sigaw ni Colein at tumalon ang dalawang kaaway nina Ren at Note papunta sa tabi ni Colein.

"Colein.."sabi ni Note habang papalapit kay Colein.

"Asawa ko. B-ba't ka nandito?"Colein

"Note.."

Itinaas ni Note ang isang kamay nya, assuring us that it's fine.

"Note?"naguguluhang tanong ni Nathan.

"Iniba mo na naman ang pangalan mo."sabi ni Colein while smiling.

"How are you sweety?"sabi ni Note habang dahan-dahan paring naglalakad.

"I'm fine. Did you miss me? Ba't kasama mo na naman ang babaeng yan?!"sabi ni Colein while pouting.

"Sumama lang ako sa kanila dahil hindi ko alam kung nasaan ka. Sweety, can I ask you a favor?"Note

"What is it?"Colein

"Please ibaba mo yung baril so I can go near you."Note

"Okay.. But first I have to do this.."itinutok ni Colein yung baril sa akin at ipinutok ito.

Naging slow motion ang lahat. Wala akong magawa kundi pumikit at napahawak sa dibdib ko.

Black Wings Book 1&2Where stories live. Discover now