Chapter 8 - Confusion/Dream

16.3K 558 26
                                    

Napalibutan bigla ng liwanag si Angel at biglang nawalan ng malay.

Nang magising sya, ibang lugar na ang nakikita nya.

Nasa isang malawak na lugar sya at napapalibutan sya ng mga bulaklak.

"Nasan ba ako? Nasaan ang mansion?"

Bigla syang napatayo nang maalala nya ang nangyare sa party.

"Aaah!"guy

Napatingin sya sa susimigaw na lalake sa may paanan nya.

"Aray naman Angel! Ba't ka naman bigkang tumayo? Ang sakit ng ulo ko. Baka nakalimutan mong nakahiga ako sa lap mo"Ren

"Ren? Nasaan tayo? Diba nilusob tayo?"

Napatayo na rin si Ren at tinignan ang kambal nito with a concern in his eyes.

"Ok ka lang ba? Nananaginip ka na naman ba ng masama?"Ren

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo jan? Nasan si Sky at Skylar?"

"Sinong Skylar? Nasa palasyo ang asawa mo"

"Asawa? Ano bang-"

Bumalik ako sa nakaraan. N-naaalala ko na ang lahat.

Sabi ni Angel sa isip nya.

Napa-upo bigla si Angel at napapikit.

"Angel, ok ka lang ba? Masakit ba ang tyan mo? Naku! Patay ako sa asawa mo>_<"Natatarantang sabi ni Ren.

Napatingin si Angel sa tyan nya. Malaki na ito. Hinawakan nya ito at naramdaman nya ang pagsipa ng bata sa sinapupunan nya.

Skylar..sabi nya sa isip nya

Bigla naman syang namula, m-may a-anak na kami ni Sky. Asawa ko si Sky. Namilog ang mga mata nya at namumula na sya sa mga naisip nya.

"Angel! Magsalita ka naman! Manganganak ka na ba? Waaaaa! Patay talaga ako nito sa asawa mo! Sabi ko naman sayong bawal na tayong lumayo sa palasyo eh! Umuwi na tayo. Kaya mo pa bang lumipad?"Ren

Napatingin sya sa likod nya at nabigla sya nang makita nya ang itim nyang pakpak. At doon nya lang rin napansin ang puting pakpak ni Ren.

Hindi nya maipagkakaila ang galak na nararamdaman nya.

"Kung di mo na kayang lumipad, gamitin mo nalang si Natsu."

Hinawakan ni Angel ang kamay ni Ren at ngumiti.

"Ok lang ako. Umupo ka muna sa tabi ko, mamaya na tayo umalis."

"Are you sure?"

"Oo naman."

Umupo si Ren sa tabi nya at hinawaka nito ang tyan nya.

"Baby, wag mong pahirapan si mommy mo ha?"bigla namang sumipa ang bata.

Nagkangitian ang dalawang nagkapatid ngunit biglang lumingon si Ren sa likod nila.

"What's wrong?"Angel

"Someone's coming."Ren

Biglang dumating si Sky.

Napatago naman si Ren sa likuran ni Angel.

"Ren! How many times do I have to tell you na bawal lumabas ang kambal mo, alam mo namang malapit na syang manganak."Sky

"Ano ba Sky, ako naman ang nagpumilit sa kanyang lumabas kami. Kasi naman ang boring kaya sa palasyo."

Napahawak si Angel sa tyan nya habang si Sky naman ay kinakausap pa si Ren.

"Hindi ka dapat pumayag Ren, alam mo namang-"Napatigil sa pagsasalita si Sky nang mapatayo bigla si Ren.

Namilog bigla ang mga mata ng dalawa nang mapansin nilang basa na ang picnic blanket.

"Angel, sinabi mo sanang na-iihi ka."Ren

"Anong ihi ba ang pinagsasasabi mo jan?! Manganganak na ako!" Biglang nahimatay si Angel.

Napabangon ulit si Angel at napasigaw, ngunit tumigil din ito sa pagsigaw nang napasigaw din ang taong nasa kabilang kama.

"Ano ba Angel, ke aga-aga namumulabog ka" napakamot ng ulo si Ren.

"Manganganak na ako!"Angel

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo-" namilog bigla ang mata ni Ren "Naku! Lagot ka kay mommy! Ginamit mo na naman ang kapangyarihan mo!"

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo jan?"Angel

Hindi nya na alam kung ano ang mga nangyayare. Hindi na alam ni Angel kung ano ang totoo.

"Anong 'ha' ka jan? Ba't ka nanaman ba tumingin sa hinaharap? Diba sabi ni mommy na wag mong gagamitin ang kapangyarihan mo dahil hindi pa tayo trained? Eh kung hindi kana nakabalik dito sa kasalukuyan? Anong mangyayare sayo? Tigas talaga ng ulo."Ren

Napahiga ulit si Ren. Napatingin si Angel sa silid nilang dalawa. Napakalaki nito at malalaki rin ang mga kama nila.

Napaisip bigla si Angel.

Ano bang nangyayare? Naguguluhan na ako.

Napapikit si Angel at nanalanging sana ay isa lang itong magulong panaginip.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Waaaa! A very lame update..

Black Wings Book 1&2Where stories live. Discover now