22𝙽𝙳 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

111 29 0
                                    

Ang kwentong ito ay piksyon at hindi konektado sa totoong mundo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ang Kwento Tungkol sa mga Plastic"

Nang panahong naimbento ang mga plastic ay marami na itong gamit gaya ng paggawa ng mga plastic cups, plastic screw, at iba pang uri ng kagamitan na yari sa plastic.

Pero ang kwento ay magsisimula sa dalawang magkaibigan at maaari ring pekeng magkaibigan.

Ang pangalan ng isa ay Flake at ang isa naman ay Hartie. Pareho silang binata.

Pero nagpapakita sila ng magandang relasyon sa isa't-isa kapag sila ay laging magkasama.

Kapag nagtalikuran na silang dalawa ay iba na ang kanilang pananaw sa isa't-isa.

Inilalarawan na lamang nila ang isa't-isa ng negatibo at hindi siya masayang kaibigan.

Sa madaling salita, itinuturing nila ang isa't-isa na pekeng magkaibigan.

Isang araw nga ay namasyal sina Hartie at Flake sa dagat at may nakita silang court ng Basketball.

Doon sila nagpalipas ng oras at makalipas ang ilang minuto ay may nakipaglaro sa kanilang dalawa na katulad rin nilang binata.

Tinanong nila sina Hartie at Flake kung pwede ba silang makipaglaro sa kanila.

Agad naman silang sumang-ayon dahil ang sabi nila ay mas marami, mas masaya.

Kaya ang laro nila ay 2 versus 2 ang laban at half court lang ang kanilang paglalabanan.

Si Hartie nga ay kumampi sa isang binata at si Flake naman ay kumampi sa isang kasama nito para fair.

Naglaro nga sila ng umagang iyon kahit malapit nang magtanghali.

Dahil sa tindi ng laban ay isinaksak ni Hartie ang bola habang nakabantay sa kanya si Flake.

Nasobrahan nga ni Hartie ang pagbangga niya kay Flake kaya ito ay natumba.

"Uy! Flake! Okey ka lang ba? Pasensiya na. Halika, abutin ko nalang ang isa mong kamay para maibangon kita."

"Huwag na, Hartie! Kaya ko nang ibangon ang aking sarili. Okey lang ako."

Sa isip ni Flake ay isinadya niya talaga ang pagbangga ng malakas para saktan siya.

Pero ang katotohanan ay hindi niya talaga ito isinadya dahil ganito talaga ang normal na laro ni Hartie at saka malaki ang kanyang katawan.

Nang sumunod na minuto ay bumawi naman si Flake sa kanya.

Irerelease na sana ni Hartie ang bola ngunit agad nitong sinampal ang kanyang braso.

Kaya naramdaman ni Hartie ang masakit na isinadyang sampal ni Flake sa kanya.

Agad na humingi ng patawad si Flake kay Hartie sa nangyaring iyon.

"Pasensiya na Hartie, hindi ko talaga sinasadya. Okey lang ba iyang braso?"

"Medyo masakit pero okey lang ito, Flake."

Ang iniisip ni Hartie sa oras na iyon ay isinadya ni Flake ang pagsampal ng malakas sa kanyang braso para makaganti siya dahil sa nangyari kanina.

Agad na napansin ng kanilang mga kakampi na parang nagkakainisan na sila pero nagpapanggap pa rin silang parang okey ang lahat.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 3 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora