28𝚃𝙷 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

69 16 0
                                    

"Ang Walang Katulad na Kwento ni Natoy sa Panabon ng Tag-ulan"

Isang araw, may isang batang babaeng naliligaw sa kagubatan ng Hiwaga.

Siya ay si Claire na galing sa mayamang pamilya.

Takot na takot si Claire sa loob ng kagubatang iyon na hawak-hawak ang kanyang laruan.

Siya ay kinakabahang naglalakad kung saan-saan para hanapin ang labasan sa kagubatang iyon.

Hanggang sa may nagpakita sa kanyang isang kapre, isang tikbalang at isang unano.

Dahil doon, sobrang natakot si Claire dahil dito.

Dahil sa kanyang pagkatakot ay ibinato niya sa kanila ang kanyang laruan na si Natoy na isang plastic na laruan. Ang laruan niya ay isang prinsipe.

Pagkatapos niyang ibinato, agad niyang pinagsisihan na ibinato niya ang paborito niyang laruan sa kagubatan.

Dahil sa takot ay hindi na niya ito binalikan at tumakbo na ito kung saan-saan.

Hanggang sa nakalabas ito sa loob ng kagubatan.

Dahil doon ay naiwan ang laruan ni Claire na si Natoy sa kagubatan ng Hiwaga.

Sa araw na iyon ay hindi na niya binalikan pa ang kanyang laruan.

Dahil sa hiwaga ng kagubatan, bigla nalang siyang pinalibutan ng mga gamo-gamo at pagkatapos nilang pinalibutan ay nangyari ang hindi inaasahan.

Bigla nalang itong gumalaw na parang nagkaroon ng buhay pero isa pa rin siyang plastik na laruan. Siya rin ay nakapagsalita sa loob ng kagubatang iyon.

"Buhay ako! Pero paano ito nangyari! Sapagkat laruan lang ako!" sabi ni Natoy sa kanyang sarili.

Bigla naman siyang pinuntahan ng isang kapre, tikbalang at unano.

Dahil dito ay nakita ni Natoy ang mga ito at bigla itong natakot.

Pero agad naman siyang kinausap ng kapre.

"Kalma ka lang bro."

Pati rin ang unano.

"Tama, kalma ka lang dahil hindi ka namin sasaktan."

May sinabi rin sa kanya ang tikbalang.

"Tama. Dahil nandito ka ngayon sa kagubatan ng hiwaga, laruan. Welcome ka dito kaibigan. Basta huwag mong sasaktan ang kagubatan!"

Biglang kumalma si Natoy at naisip niyang kahit parang nakakatakot ang kanilang anyo ay parang wala naman silang balak na saktan siya.

Sumang-ayon nalang si Natoy na hindi niya sasaktan ang kagubatan.

Pero may isang katanungan si Natoy kung bakit siya nabuhay.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 3 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon