26𝚃𝙷 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

68 18 0
                                    

Ang kwentong inyong mababasa ay galing sa malikot na imahinasyon ng awtor at hindi ito naiuugnay sa totoong buhay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ang Time Travel ng Binata sa Araw ng Tagsibol"

Sa panahon ng sobrang modernong mundo, sa taong 9999 ay mukhang teknolohiya na ang nagpapatakbo sa lahat ng mga bagay-bagay sa mundong ito.

Imbes na tao ang magtatanim sa kanilang bukiran ay mismong robot na mismo ang nagtatanim para sa kanila.

Mayroon na ring mga lumilipad na kotse para makapunta ng mabilis sa sa kanilang pupuntahan.

Mismo sa himpapawid na rin ay mayroon nang traffic dahil sa dami ng lumilipad na sasakyan.

Kabaligtaran naman sa mga nagmamaneho ng mga sasakyan na may gulong na kanilang pinagugulong sa semento dahil hindi traffic.

Ang dahilan kasi kung bakit mas marami ang nagmamaneho sa himpapawid ay sa tingin nila, mas luma na ang pagmamaneho sa mga sasakyang may gulong at saka mas mabilis silang makakabiyahe kapag sasakay sila ng mga lumilipad na sasakyan kahit na traffic sa taas.

Halos lahat ng lupa na rin dito sa taong ito ay napatayuan na ng mga malalaking gusali na mas malaki pa sa Mount Everest.

Halos lahat na rin ng daan ay sementado na dito kaya naman ang mga tao dito sa taong ito ay nagtitipid sa kanilang pagkain dahil napakamahal ng mabibiling pagkain dito sa pamamagitan ng pag-oorder online sa kanilang hologram phones.

Totoo ngang napigilan nila ang mga irreversible effects ng climate change pero ang problema nila ngayon sa mundong ito ay ang mga nagbabagsakang mga malalaking bulalakaw.

Pero, dahil sa kanilang sobrang modernong teknolohiya ay nakagawa sila ng isang matibay at makapal na barrier bilang panangga sa mga ito.

Ngunit hindi pa rin nila maitatanggi na kahit matibay at makapal ang kanilang barrier ay may makakawasak pa rin sa barrier na ito na isang mabilis at malaking bulalakaw na mas malaki pa sa bulalakaw na nag-extinct sa mga dinosaur noong unang panahon.

Kaya nila naging problema ang mga bulalakaw at maraming pera rin ang kanilang mawawala dahil sa barrier.

Dahil sa sobrang panganib sa pagbagsak ng mga bulalakaw na maaaring makasira sa barrier ay hindi na nila pwedeng palabasin ang mga tao sa mga gusali.

Hindi ang bulalakaw ang makakaapekto sa mga tao ngunit ang debris ng barrier na nabasag ng dahil sa bulalakas ang makakaapekto sa kanila ng pagkasugat at pagka-injured.

Kaya naman ang mga tao dito sa taong ito ay nagtatago at napakabihira silang makalabas sa kanilang gusali.

Para sila ay makabili ng kanilang makakain ay mag-oorder sila sa kanilang hologram phones at ito sy nasabi ko na kanina.

Kaya naman, dahil sa hindi sila lumalabas sa kanilang gusali ay lahat ng mga tao sa taong ito ay mapuputi.

Tungkol naman sa mga hayop, may sarili na rin silang gusali kung saan doon sila naninirahan maliban sa mga puno.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 3 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Where stories live. Discover now