CHAPTER 44: SECRETS AREN'T FOREVER I (INCEPTION)

196 18 11
                                    

CHAPTER 44: SECRETS AREN'T FOREVER I (INCEPTION)

JADE

Nagising ang diwa ko habang kumakain ng agahan ng tumunog sa tabi ko ang aking cellphone. Agad kung nakita sa caller ID nasi Inspector Chavez pala kaya't sinagot ko ito. Binati pa niya ako bago pinahayag kung anong kailangan nito.

“Nakahanap kami ng witness patungkol sa kaso ni Yvinne Roxas” pahayag ni Inspector.

“Talaga po? Sino?” tanong ko.

“Isa sa mga utility na nag-absent noong isang araw kaya't hindi nakausap at nakatira pala ito sa ibang bayan” paliwanag ni Inspector Chavez, huminto muna bago nagpatuloy. ”Aming na-contact, handa siya magsabi sa amin kaya kagabi ay nagusap kami. Ang sabi niya ay nasa garbage area na nasa ibaba lamang ng building. Tinatapon lamang niya ang mga natitirang basura para hindi matambak tapos ay may napansin siyang may narinig siyang parang sinasakal. Malakas iyon na halatang boses ng babae, kinalabutan kaya nagmadaling umalis at akala ay guni-guni lamang iyon. Ilang sandali rin may bumaba na naka-itim na tao sa fire exit, madilim din ang paligid kaya hindi niya nakita. Umalis ito ng tumalon sa mataas na bakod ng eskwelahan. Sauna ay hindi niya iyon pinansin pero hinala niya iyon ang taong pumatay ni Yvinne Roxas”

“Hindi po ba siya mapapahamak?” hindi ko mapigilan na magtanong dahil sigurado akong may masamang mangyayari sa utility na iyon na alam niya ang tungkol dito at kawawa naman.

“Don't worry Jade” Inspector reassured me with his reply. “May nagbabantay sa kanya ng mga pulis buong araw sa labas ng bahay niya. Hindi narin siya lumalabas din para sa kanyang seguridad. Ini-monitor rin namin ang mga kamag-anak niya”

“Mabuti naman po kung gaanon. Sana nalang walang masamang mangyari sa kanya” komento ko at sumang-ayon roon si Inspector.

“Tatawagan nalang kita ulit kung may makuha pa kami. Medyo busy rin kami sa ibang kaso na dumadating dito” saad ni Inspector Chavez habang naririnig ko sa kabilang linya ang maingay na paligid na halatang sa police station. “Basta mag-ingat ka din palagi. Delikado na ang panahon ngayon”

“Salamat po, Inspector” sagot ko.

“Jade, pwede ba magtanong?” biglang dagdag ni Inspector na kinukunot ng noo ko. “Alam mo ba kung nasaan si Bryce? Mula noong kahapon kasi hindi ko siya ma-contanct gaanon din ang kapatid niya kaya ikaw nalang ang sinabihan ko nito”

Sa nakalipas na araw ay parang may pinagdadaanan si Bryce. Palagi na siyang mas tahimik at minsan ay natutulog nalang. Gusto ko sanang kausapin pero halatang gusto muna niyang mapagisa. Hindi ko alam na hindi na pala siya na-contact ngayon, nakakagaba naman kung totoo man. Tatawagan ko nalang siya mamaya.

“Pasensya na po Inspector pero wala akong alam kung nasaan si Bryce. Tatawagan nalang kita kapag may nalaman ako” tugon ko.

“Sige, salamat Jade. Mauna muna ako” pinatay na niya ang tawag at binaba ko narin ang phone ko tapos ay pinagpatuloy nalang tapusin ang pagkain ko na nalalamig na.

Noong matapos na ako sa pagkain ay tinawagan ko si Bryce. Ilang beses ko iyon ginawa pero palaging out of coverage area. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Tiningnan ko sa nagiisang social media niya nasa instagram pero hindi din siya active. May nangyari ba sa kanya?. Ibabalik ko sana sa mesa ang phone ko ng may tumawag sa'kin.

Nagsalubong ang kilay kung makita si Simon pala ang tumatawag. Ano kaya ang sadya nito? Sinagot ko nalang ito at inilapit sa tenga ang phone ko.

“Hello? Simon, maaga ka yata napatawag” sabi ko sa kanya. “May kailangan ka ba?”

HIDDEN FILES 2 Where stories live. Discover now