CHAPTER 56: SECRET CONNECTIONS

126 13 0
                                    

CHAPTER 56: SECRET CONNECTIONS

JADE

Biglaang umilaw ang laptop ko sabay may tunog din ito dahilan lumingon ako sa direksyon ng study table ko. Napatingin ako sa clock display ng phone ko, halos manliit ang aking mga mata ng makitang alas nuebe na pala ng gabi.

Ulit na tumunog ang laptop ko kaya't napatayo nalang ako sa kama tapos ay lumapit sa study table ko. Napaupo ako sa aking swivel chair 'tsaka tiningnan ang notification na lumabas sa screen.

Pinindot ko ang notification na mula pala sa aking email. Sinimulan ko sa pagbasa ang nakasulat na medyo kinakabahan pero unti-unting nalulungkot sa bawat salitang nababasa ko roon sa screen.

Napalunok matapos mabasa ang kabuhuang message at mariin na pinikit ang aking mga mata.

Good morning / evening, Agent 047

The Headquarters has requested that you send more daily reports on your current mission if possible. We'd like to learn more about your current situation and safety. Also, please refrain from discussing the mission in public. We're merely reminding you since we received a report that you discussed such matters to the outsiders. Please keep this between us in private.

We have given you one month and three weeks to complete your mission. Stygian should be stopped immediately, if feasible. If you do not finish this objective, we will reassign you to another unit or demote you.

Please delete this message after you have read and received it. Thank you very much.

Signed : Agent 010

Pinatay ko nalang ang aking laptop tapos ay humiga sa aking kama. Alam ko naman na aabot sa gaanong punto pero nalulungkot akong maisip na sa susunod na buwan ay matatapos ang lahat at iiwan ko ang mga taong naging parte ng peke kung pagkatao.

Malalim akong bumuntong-hininga. Sumisikip ang aking dibdib ng malala ang mga magagandang alala na aking nagawa kasama sila. Sina Ayla at Nile na naging mabuti sa akin, palagi kung kasama at walang oras natatawa ako sa kanila. Sina Simon at Bryce na naging matalik ko nang mga kaibigan. Syempre din si Auntie na nag-alaga sa akin at minahal ako.

Hindi ko napansin na may tumulong luha sa aking mga mata. I usually don't get attached much with people that surrounds me in my mission but this one hits different. For the past months, I got close with many people's heart that I'm scared to break them to pieces. Unti-unti akong maiyak kasi aalis din ako tuluyan dito. Dapat kung tanggapin kasi ganito ang buhay ko.

A life of being a secret agent.

I will always have no choice but to follow.

To follow those orders to protect everyone.

In order for them to live peacefully.

Even sacrificing my life and time to do it.

Mabilis kung pinunasan ang aking mga luha. Dapat ko nang ihanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari na hindi madali para sa akin. Bumangon ako sa kama tapos ay lumabas muna sa aking kwarto.

Paglabas ko ay tahimik parin ang paligid at wala din akong nakitang bumalik na si Auntie. Sa totoo lang ay sobrang naging wild na ang mga imaginations ko kung ano na ang possibleng mangyari sa kanya. At the same time, taimtim akong nagdadasal na sana hindi siya ngayon napahamak at nasa mabuting kalagayan. Nag-aalala na ako kung nasaan na siya ngayon kasi ilang oras na ang nakalipas ay hindi parin ma- contact.

Maraming beses ko siyang tinawagan sa dalawang numero ng cellphone niya. Ini-text ko rin 'tsaka nag-message sa mga social media accounts niya pero wala talaga akong nakuhang reply sa kanya. Simula pa umaga ng umalis siya pero hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik.

HIDDEN FILES 2 Where stories live. Discover now