CHAPTER 59: CHASING THE UNKNOWN

139 10 0
                                    

CHAPTER 59: CHASING THE UNKNOWN

JADE

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas nang nakaupo ako dito sa sala namin sa harapan ng picture frame ng aking Auntie. Katabi nito ay ilang puting bulaklak na binigay ng kakilala namin at kandila. Halos naubos na ang lahat ng luha ng mata ko at pagod na pagod ako sa nakakamatay na sakit na nadarama ko.

Nasa bahay muna ako ngayon namin. Sakto din na weekend kaya't walang klase at wala din masyadong binigay na assignment. Hindi ko pa kayang bumalik doon sa apartment ni Auntie.

Sobrang tahimik na doon. Wala na 'yung usual na masayang atmosphere at palagi ko din siya maalala. Masakit isipan kapag tungkol sa kanya dahil rin sa nangyari.

Hindi ko na muling makita ang kanya mukha at hindi ko rin muling maririnig ang malambing niyang boses. I'm missing her so much that I couldn't do anything than just to cry my feelings.

Tiningnan ko muna ang orasan. Alas nuebe na ng umaga. Kahapon ay inilibing si Auntie sa malapit na sementeryo ngunit hanggang ngayon naalala ko parin lahat na nangyari. Kung mas maaga ako nakauwi sa oras na iyon maabutan ko pa siya. Hindi sana siya namatay. Sana buhay pa siya ngayon at kasama ko. Bakit ako walang nagawa sa mga sandaling iyon?

Bigla bumalik sa kasalukuyan ang isipan ko ng marinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan. Lumingon ako ng makitang bumukas ito, nakita ko si Kuya Verdelle na may dalang pagkain. Ngumiti siya ng makita niya ako.

“Kamusta ang tulog mo?” mahinahong na boses na kanyang tanong habang maingat inilagay sa kitchen counter ang mga pinamili. “Binili ko ang mga paborito mung pagkain. Ito nalang muna ang breakfast natin. Alam mo naman hindi ako masarap magluto na pwede sa iyong panlasa”

Tumango lamang ako bago tumayo. Dumiretso ako sa hapagkainan na naghanda siya sa kanyang pinamili. Maingat niya inilagay sa mga plates 'yung pagkain tapos kumuha rin siya ng juice.

“Kumain ka ng marami” saad niya.

Marami ang binili na pagkain ni Kuya. Isa doon ay burger steak mula sa paborito kung fast food chain. Kahit masarap ang kinakain ko ay parang pumapait ang lasa. Dapat mas ganahan ako sa pagkain pero unti-unting nawawalan ako ng gana. Pinilit ko nalang lunokin ang lahat ng kinain ko hanggang maubos ito.

Sa buong oras ay hindi muli nagsalita si Kuta hanggang niligpit na namin ang aming pinagkainan. Papunta sana ako sa aking kwarto ng biglaan siyang magsalita.

“Lilipat ka na ng bagong apartment”

Agad akong napatigil. Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang nakinig lamang ako ng mabuti. “We need you to be safe, Jade. Alam nila na dito ka nakatira. Pinagisipan namin nila Mom at Dad na pumunta ka sa ibang apartment”

“Salamat” tipid kung sagot.

“Also please get yourself together. Don't let your emotions control you. I know, masakit ang nangyari pero may mas importanteng pagisipan ngayon. Tandaan mo kung bakit ka ngayon nandito at tandaan mo rin nakasasalay ang lahat ng pinaghirapan nating dalawa para makapunta sa mas mataas na posisyon. Sana sa susunod na araw hindi ko ito makita. We are agents that serves the country, we have no time to mourn people that aren't really connectes with us” malamig na boses na sabi ni Kuya Verdelle, parang may bumura sa lalaluman ko para hindi ako makapagsalita sa sinabi niya at pumasok nalang ako sa aking kwarto.

Humiga nalang muna ako sa aking kama. Wala akong gana na mag gawin kaya't natulog nalang ako ng mabilis din ako dinalaw ng antok. Nagising ako ng makulimlim ang kalangitan at kakaibang sobrang tahimik ng paligid.

Mabigat parin ang nararamdaman ko pero bumangon nalang ako at lumabas muna sa kwarto. Nauuhaw rin kasi ako at gusto kung uminom ng tubig. Inilibot ko ang tingin sa sala namin. Wala akong nakikitang presensya ni Kuya. Nasaan naman ang lalaking iyon?

HIDDEN FILES 2 Where stories live. Discover now