CHAPTER 57: ONES WHO FOREGONE

135 15 0
                                    

CHAPTER 57: ONES WHO FOREGONE

JADE

Mariin kung pinikit ang aking mga mata habang inisandal 'yung likuran ng ulo sa pader. Bumuntong hininga ako ng malalim. Ang bigat na naman ng pakiramdam ko gaanon din 'yung ulo ko kasi hindi naging sapat ang tulog ko. Paano naman ako makatulog ng mahimbing matapos ang lahat na nangyari.

Mabilang lamang sa daliri ang oras na nakatulog ako pero hindi mahimbing. Halata sa mga mata ko at gaano ako naging sabog ngayong araw.

“Anong ginagawa mo dito?” rinig kung pamilyar na malalim na boses ang papalapit sa akin.

Dahan-dahan kung inimulat ang aking mga mata. Sumalubong sa harapan ko ang nakasimangot na mukha ni Lucas. Hindi talaga ito mahilig ngumiti kahit kailan katulad lang ni Bryce.

Hawak sa kanyang kamang kamay ang isang libro habang sa kabilang kamay niya ay nasa loob ng bulsa. Kumunot ang noo niya habang pinagmasdan ako.

“Naging bingi kana ba Jade?” may halong sarkasmo sa boses niya at tinaasan ako ng kilay pero hindi ko siya sinagot.

Umiwas nalang ako ng tingin tapos ay ulit ko pinikit ang aking mga mata. Iniyakap ko naman ang dalawang tuhod ko at ipinatong ang ulo ko doon.

“Your not fine...” he muttered.

I simply nodded as my response.

Naramdaman ko nalang na parang may umupo sa aking tabi. Hindi nagsalita sa loob ng ilang oras si Lucas at wala naman akong pake doon hanggang hindi ko na malayan tuluyan akong nakatulog. Pagkagising ko ay nandoon parin si Lucas nagbabasa sa kanyang dinalang libro.

“May nangyari ba sa pagitan ninyong dalawa ni Bryce?” binaba niya ang hawak na libro at inilapat ang tingin papunta sa aking direksyon.

“Bakit ka naman nagtanong?”

“Nakita ko kayong dalawang pumunta sa rooftop kahapon. Parehong magkaiba ng ekspresyon ng inyong mukha ng umakyat at bumaba. Mukhang may nangyari talaga” paliwanag ni Lucas na sumeryoso ang ekspresyon ng mukha. “Pwedeng malaman kung bakit nagkagaanon kayong dalawa?”

“Its none of your business, Lucas” I replied.

“It will be my business 'cause you'll soon ask me some questions, am I right?” he retorted then a smirked slowly cripped in his lips.

Bawat galaw ko ba ay alam niya? Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi parin nawala 'yung ngisi na nasa kanyang labi. Paano ba niya madaling nababasa ang iniisip ko?

“Tanungin mo nalang ako, Jade” suhestiyon niya na binalik ang tingin sa mga panahi ng libro. “Sasagot naman din kita”

“Ano?”

“I mean, sasagot syempre sa mga tanong mo. Alam ko may bumabagabag sa isipan mo at tutulungan kita” pagpaliwanag niya.

“May kapalit ba ang sagot mo?” tanong ko.

“Oo pero madali lang ang kapalit” sagot ni Lucas na sandali akong sinulyapan sa tabi at tinaasan ko siya kaagad ng kilay.

“Ano naman iyon?”

I thought it would be something hard. Nag-expect ako na hindi iyon magiging madali pero laking gulat ko ay iba ang hingi niyang kapalit. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na salitang lumabas sa kanyang bibig.

“Alam mo ba kung na saan ngayon si Ayla?” seryosong tanong ni Lucas sa akin.

“Why?”

“I was once a friend to her” he replied.

HIDDEN FILES 2 Where stories live. Discover now