10

103 8 0
                                    


Unexpected

BUONG byahe ay nakasimangot lamang ako. May family outing kami kasama sila Tita Aida. I also brought Asher with me. Si Nibbles naman ay pinaiwanan na lang muna ni Jauncy kay Aling Elda.



Wala akong ganang sumama dahil may period ako. Hindi talaga ako mahilig lumabas kapag meron ako. Gusto ko ang magkulong lang sa kwarto buong magdamag.



"Xierl ang swerte mo talaga sa fiancé mo! Ang daming ari-arian. Tapos ito ring island resort nila ay sobrang lawak. Kaya dapat h'wag mo nang pakawalan pa si Jauncy. Once in a blue moon ka lang magkakaroon ng katulad niya," palihim na banggit sa akin ni Mommy nang kami ang mahuli sa paglalakad sa buhanginan.



I shook my head in disappointment. Kapag mayaman swerte? Kapag sakto lang at hindi gano'n kasalapi ay hindi pwede? Oh well, money is the powerful thing in this world that will just make you a sinner.



Isa-isa kaming may dorm. Well, except sa aming dalawa ni Jauncy. Kina-career na talaga nila masyado ang pagpares sa amin ni Jauncy.



Nanlaki ang mga mata ko nang bigla lamang nagpupumiglas at tumalon si Asher sa bisig ko. Agad ko naman itong hinabol. Napatigil ako nang mapansin na tumakbo ito patungo sa kumpulan ng mga lalaki. I even noticed that one of them is my schoolmate. Palagi ko kasing nakakasalubong ang lalaki sa campus. Kaya pamilyar na rin siya sa akin.



"Hi. Here's your dog," the guy handed Asher to me.



"Thanks. Sa Willton ka nag-aaral 'di ba? Palagi kasi kitang nakikita," I opened it up.



Nahihiyang napakamot sa batok ang lalaki. Napalingon pa ito sa kasamahan niya na malakas ang kantyawan. Kaya napakunot ako ng noo. I'm not that dumb para hindi maintindihan ang kinikilos ng lalaki.



"O-Oo. Kilala na rin kita..."



Napaubo-ubo ako nang marinig na naman ang makahulugang kantyawan ng mga kaibigan nito. Magsasalita pa lamang ako ngunit umurong ang dila ko nang maramdaman ang pagbigat ng balikat ko.



Nakaakbay na ngayon sa akin si Jauncy na ikinailang ko.



"Hala! Sikat na vlogger 'yan 'di ba?" malakas na bulungan ng mga kaibigan ng lalaki.



Nagtutulakan pa ang mga ito habang patuloy na nagbubulungan. Maya-maya'y biglang mabilis na silang naglapitan kay Jauncy kaya napanganga na lamang ako. Maraming fanboys rin pala ang Jauncy na 'to.



Hindi pumayag si Jauncy na makipag-picture na ikinalungkot ng mga ito.



Nang makalayo na kami sa mga lalaki ay inalis ko na ang pagkakaakbay niya sa akin.



He frowned.



"Your mom was furious seeing you entertaining that boy."



"May sinabi lang yung tao kaya malamang kinausap ko. Anong masama do'n?"



"Kilala mo ang lalaking 'yon hija?" Tito Jendy suddenly asked.



I gulped. Napatingin ako kay Mommy na kasalukuyang pinaningkitan ako ng mga mata.



"Uhmm, schoolmate ko po kasi 'yon, Tito."



"I see."



"Hija, you should stop talking with guys. I mean, you're already engaged kaya dapat mag-focus ka na lang sa anak ko," Tita Aida stated.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now