20

109 6 0
                                    


Numb

I already sent the voice record to Mr. Lim's gmail. Nasa condo ako. Sayang rin naman kasi ang condo namin at walang nakatira. Dalawang araw na akong hindi umuuwi sa mansyon. Nagkasagutan kasi kami ni Jauncy.



I confronted him about what I heard between the conversation of Tita Aida and Jewell. Pero hindi niya magawang magsalita. He's not saying anything. He just ignored my question. Kaya do'n na ako napikon at nakapagbitaw ng masasakit na salita na agad rin naman niyang sinegundahan. Do'n nagsimula ang naging sagutan naming dalawa.



Wala akong dalang damit. Mabuti nga lang ay may iilang damit akong iniwan dito. 'Yon nga lang, mga pang-girly na damit ang nandito.



Wala na akong pakialam. Once in a blue moon lang din ako nakakapagsuot ng ganito.



Nag-text ako kay Cyrill na pupunta ako sa kanila. Nagmano ako kay Tita Jenecy nang maabutan sila sa kanilang bahay. Akala ko pa naman ay may lakad na naman sila.



"Kumusta na, hija? Matagal-tagal ka na ring hindi namin nakikita," ani Tito Celso.



"Pumupunta pa naman po ako dito  paminsan-minsan pero 'yon nga lang, hindi ko na kayo naaabutan."



I treated Cyrill's parents as my second parents. Mas feel ko kasi na pinapahalagahan nila ako at sinusuportahan ako sa bawat desisyon ko. It's not that I don't like my parents, I just felt more on displeasure with their mindsets.



"Palagi ka na lang daw absent sabi sa akin ni Danilo," sabi ko kay Cyrill.



"Hindi ah, late lang naman. Siya nga lang yung palaging waley sa kanila. Porke't nagkabalikan lang sila ni Geniel, absent is life na agad."



Napakunot ako ng noo. So, totoo pala talaga?



"How come? 'Di ba sabi ni Danilo ay na-blackmail lamang siya ni Geniel kaya naging sila? Tapos, bakit nagkabalikan pa?"



Napatawa ng malakas si Cyrill at kinurot ang ilong ko. Inambahan ko ng suntok ang mukha niya at natatawa naman siyang napaiwas.



"Baka kamo gawa-gawa lang ni Danilo na na-blackmail kunwari pero siya pala yung hulog na hulog. Akalain mo ba namang naging stalker siya kay Geniel."



Nanlaki ang mga mata ko. Napakamot ako sa pisngi habang napasimangot. I don't like that girl! Really. But I'm not childish like those people who will command their friends to ignore and avoid the people they don't like.



Nagluto si Mama Jenecy ng sinigang na baboy. I decided to call her Mama. And it sounds better.



"Tikman mo 'tong sabaw hija kung okay lang ba ang lasa," itinaas nito ang sandok na may konting sabaw.



"Okay na po 'yan," I smiled.



Lumipad ang tingin ko kay Cyrill na kanina pa pala kami pinagmamasdan. Ang laki pa ng ngisi niya.



"Ang gaganda naman ng mga mahal ko. My mama and my wifey," he joked.



I frowned. Napangiwi rin ako sa isipang maging kami. Like, why so incest to hear?



Pagkatapos naming mananghalian ay tinulungan ko si Mama Jenecy sa paglilinis ng bahay. Tumigil siya nang tawagin siya ni Tito Celso.



"May lakad nga pala kami," napatampal sa noo si Mama.



"Kami na lang ang maglilinis, Ma," si Cyrill.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now