24

103 6 0
                                    


Nothing

I really enjoyed our quick vacation in the Russia. I had so much fun in there. But usually being happy is expectedly replace into an unexpected sadness. Well, I'm not prepared yet.



Sa bagong taon naman ay umuwi ako sa amin at syempre si Jauncy rin ay umuwi sa kanila. Ang isipan ko nga ay parang nasa Russia pa. Kung anong ikina-enjoy ko sa Russia ay siyang ikinabagot ko naman sa amin.



Nakapila ako ngayon para sa enrollment sa second sem namin. Pagpasok ko pa nga lang sa campus ay agad akong dinumog ng mga tao. Daig ko pa ang isang porn star na may maraming bashers. Kasalanan kasi 'to ni Jauncy kung bakit isinawalat pa na engaged kami sa isa't-isa.



Uutusan ko pa nga sana siyang i-delete ang vlog na 'yon. Pero bakit pa? Nakita na ng karamihan at paniguradong may mga screenshots na ang mga 'yon. Hindi ko na tuloy alam kung paano hunarap sa mga tao.



I'm not really used hearing things like ang landi ko. May nagsabi pa nga sa akin na tinuhog ko ang magkapatid para sa pera. I'm not a gold digger. Sana sa umpisa pa lang ay agad ko nang pineperahan si Jauncy. Saka parehong milyonaryo ang parents ko kaya hindi ko na kailangan pa ng maraming pera.



Sa mga matang nasa akin ay parang gusto nilang maghamon ng gulo.



"Hoy, mga nasa unahan! Paunahin niyo na lang si Ms. Astamiraca dahil magiging soon-to-be a Mozar pa naman 'yan! Baka sa susunod ay bibilhin pa 'tong Willton. Sabagay, she can do it naman talaga. Ganyan ang mga taong mukhang pera. Kapit nang kapit sa mga may pera," someone said.



Halata namang ako ang pinaparinggan nito. Besides, ako lang naman ang may apelyidong Astamiraca.



"Nakakalimutan mo sigurong may tainga ako? Sige nga, sabihin mo 'yan dito sa harap ko," pagtataray ko na rin.



"Why would I? You heard it already, right? So what's the need of repeating it?"



Mas nasira ang araw ko pagpasok ko sa cash department. Punong-puno ng tao at wala nang available na upuan. Tapos ang daming mga bulungan ang naririnig ko tungkol sa pagiging malandi ko daw. At nang susubukan kong lingunin ang mga ito ay agad na nagsisikuhan.



Nakahinga lamang ako ng maluwag nang matanggap ko na ang study load. Hays, finally. Makakatakas na ako sa mga chismosa.



Pagkauwi ko ay nagtaka ako nang makita si Jewell sa labas ng gate na nakikipag-away sa mga guards. She's shouting in full anger. What is she doing here? Bakit niya alam ang address ng bahay namin ni Jauncy? Oh, hindi na pala nakakapagtaka. Malamang, si Jauncy ang nagsabi sa kanya. Sila lang naman ang may komunikasyon sa isa't-isa.



"Anong meron dito?" pagsulpot ko.



I received a hard slap as Jewell faced me. What the fuck? Bakit bigla-bigla na lang siyang nananampal? At ramdam ko talaga yung maanghang na sakit sa pisngi ko.



"Tangina uy!" sinampal ko rin siya pabalik. "Ano bang problema mo?!"



Hindi agad ako naka-react nang bigla ako nitong pinagsasabunutan sa buhok. Agad naman siyang nailayo ng guards namin.



"H'wag kang magmayabang! Well, you forced your parents na gawan ng paraan para makuha mo si Jauncy, don't you?"



Agad na nagsalubong ang dalawa kong kilay. Pinanliitan ko siya ng mga mata habang napa-krus ng braso. I understand her because she's just broken. But putting blame to someone who doesn't even know with their mess is not so right.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now