18

93 5 0
                                    


Defend


PAREHO kaming maagang nagising ni Jauncy. Nasabihan kasi kami ng papa niya na may interiew ang magaganap para sa kanila. Para sa pamilyang Mozar. Kinabahan nga ako dahil pati ako ay kinakailangang pumunta rin sa kompanya nila.




"Kinabahan ako. Bakit naman ako pupunta roon? Kayo lang naman ang i-interview-hin."




"I don't know. Baka gusto lang nila na sumama ka sa akin palagi."




"Duh. Ang OA naman kung gano'n. So, dapat ay maging super supportive fiancée ako sa'yo?"




"Maybe? And that sounds good," he grinned.




Napalunok ako at napakurap. Naalala ko na naman kasi ang pangyayaring 'yon. That's our real first kiss. No'ng unang nahalikan niya kasi ako ay lasing siya sa araw na 'yon. But I don't want to be clouded with that thoughts that's why I treated him as the usual.




Hinalungkag ko na ang buong closet ko. Wala akong mapiling maisusuot. Hindi naman pwede na ang susuotin ko ay ang style na nakahiligan ko. For pete's sake, sa kompanya ng Mozar ang punta namin. Tiyak na makakapangyarihang tao ang makakasalubong namin doon.




"Bakit ang tagal mo?" biglang pumasok si Jauncy sa kwarto ko.




"Sinong may sabi na pumasok ka dito? What if, nagbibihis pala ako nang pumasok ka?"




"At least, wala pa."




Naiinis kong itinapon ang ibang damit sa kama. Shit! Wala talaga akong mapiling maisusuot. Hindi ako girly kaya hindi ko alam kung ano ang tamang dress code yung para pang-opisina ang datingan.




"What's wrong? Can't choose to wear?"




"Oo! Bakit ba kasi kailangan pa akong kasama? Na-i-stress na tuloy ako!"




"Ako na diyan," aniya at pinaalis ako sa pwestong kinatatayuan ko.




He's the one who's looking for what I should wear. Ano naman kasi ang alam ko diyan? E, wala naman talaga.




"Ito na lang. This is a flared jumpsuit. Ang mahal pa naman nito at may tag pa. Hindi mo pa pala nasuot 'to."




Kinuha ko ito at sinuri ng mabuti. Minsan ay nakikita kong ganito ang suot ng mga maaarteng babaeng kilala ko. But I never tried wearing this kind of clothing.




"Pin heels ang bagay na susuotin mo," dagdag niya pa.




Medyo mataas ang sandal na suot ko kaya dikit ang dalawa kong paa sa bawat paghakbang ko. Hindi ko talaga alam kung paano ito gamitin. May ganito lang ako pero hindi ko ginagamit. Si Mommy lang naman ang bili nang bili ng mga gamit na hindi ko naman gagamitin.




"Itong kitten heels na lang. Ilang inch ba naman itong pin heels at pakiramdam ko, sobrang tangkad ko na..."




Wala siyang magawa at sumang-ayon na lang. Hindi rin naman niya ako mapipilit. At baka bigla pa akong matumba sa harap ng karamihan dahil sa heels lang na 'yon.




"What about our pets here? Iiwan na naman natin?"




"My guard naman. Siya na ang bahalang libangin sila Nibbles."




Jauncy hired three guards. Malaki-laki naman kasi ang naging mansyon namin at baka pasukin pa kami ng mga masamang tao. Besides, may sarili silang guest room or more likely a small house that just connected to our mansion.




Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now