36

145 8 0
                                    


Truth

I felt static when Jauncy also offered me to be the endorser of the product. Dad and Mom were so busy. Si Cyrill naman ay lumipad pabalik ng California dahil tumawag sa kanya si Nanay Moire at pinapapunta siya.



Hindi ko alam kung ano pa ang pinag-uusapan nila dahil nang tinanong ko si Cyrill ay nagkibit-balikat lang naman. Nakipag-Skype nga rin ako kay Nanay Moire pero offline pa ito palagi.



Wala na akong ibang magawa kundi ang isama si Xiency. Kinabahan pa nga ako nang mapatingin si Jauncy sa kasama ko. His eyes immediately glued to my daughter. Our daughter.



"Uh, sinama ko nga pala ang anak ko dahil walang magbabantay sa kanya ngayon."



"That's okay," he said in a serious tone.



Mabilis lamang natapos ang photoshoot. Kinabahan nga rin ako dahil pati si Xiency ay sinali na rin ng photographer. Pinasuot siya ng dress habang hawak ang cologne. I'm impressed with her random poses. She's actually good.



I actually signed a restrictive endorsement. So, the condition imposed must be satisfied before payment can be properly made.



"You have a lovely daughter," Jauncy stated.



"Can I take a selfie with you po? I'm a fan! Mommy, can I hiram your phone?"



"Ako na lang ang magpi-picture sa inyo."



"No! Selfie lang gusto ko."



I gave my phone to her. I felt a light sting in my heart when I watched them. Magkamukhang-magkamukha sila. Hindi ba nahahalata ito ni Jauncy?



Nagkasagutan kami ni Cyrill kagabi. Kababalik niya pa kahapon galing California. Hindi ko siya magawang kausapin. Hindi man lang niya pinaalam sa akin ang biglaang pagkamatay ni Nanay Moire. But the worst thing, Nanay Moire was cremated because according to him, that's what her final wish.



Namamaga ng sobra ang mga mata ko dahil ilang oras lamang ang tulog ko sa kakaiyak. Nakipagkita ako kay Danilo. Malapit na pala silang ikakasal ni Ate Shiatz. I suggested na makikitulog muna sa condo niya. Namilit pa nga akong h'wag ipaalam kay Ate Shiatz dahil baka malaman rin ni Cyrill. I want to avoid him even just for a day.



"Dito ka na sa kama matutulog. Kina Shiatz ako matutulog mamaya."



"Thank you, Dan. Gusto ko munang iwasan si Cyrill. Nagkasagutan kasi kami at nakakatampo lang."



"Yeah, sure. That's usually a couple do. Hindi maiiwasan ang away-bati."



I nodded. Gusto ko lamang walain sa isip ang hindi inaasahang pagkamatay ni Nanay Moire. Kasama ko siya ng ilang taon sa California kaya sobrang napamahal na rin ako sa kanya.



"May nasabi sa akin si Shiatz. Totoo bang hindi pala si Cyrill ang ama ng anak mo? Pero hindi sinabi sa akin ni Shiatz kung sino ang tunay na ama ng anak mo. Totoo ba Xierl?"



Parang nabingi ako nang marinig ang tanong nito. Alam pala ni Ate Shiatz? Sinabi kaya ni Cyrill ang totoo sa pamilya niya?



I heaved a deep sigh.



"Yes, totoo..."


"Sinong ama?"



I smiled wryly.



"Is it important? A-Ayoko pang isawalat ang tungkol diyan."



"I'm just curious. Medyo may kamukha kasi ang anak mo..." anito sa mababang tono ng boses.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now