13

100 6 0
                                    


Fate

NANLIIT ang mga mata ko nang mahuli si Jauncy na naninigarilyo sa terrace. Hindi ako makapaniwala na naninigarilyo pala siya. Did his parents knew about this?



Saka ang aga-aga, ito agad ang madadatnan ko sa kanya? Magulo pa ang kanyang buhok at mukhang nauna lang ng gising ng ilang minuto kaysa sa akin.



He jumped in surprise after seeing me. He tried to hide the cigarette but when he realized that I already saw it, he continued smoking.



Napataas ako ng kilay.



"Mabuti pa ako, hanggang pag-vape lang."



"I don't smoke. But when I have deep thoughts that bothered me all the time, it's time to lit a cigarette."



I nodded.



"Ang aga pa ah? May problema ka ba? Is it about your secret girlfriend?" bigla kong natanong.



He became silent.



"Uh, sige. Uhmm... magluluto na lang muna ako."



I cooked a bacon and a sunny side up. Kumuha ako ng dalawang pinggan at nilagyan na ng garlic rice. Tuwing biyernes hanggang linggo ay umuuwi si Aling Elda sa kanila kaya wala siya ngayon. Mas okay nga kung wala kaming katulong kasi kaya lang naman namin ang mga gawaing-bahay.



Napanguso ako nang marinig ang mahinang pagtahol ni Asher. Si Nibbles naman ay nagpapalambing habang ang ulo nito ay hinahagod sa paa ko. Parehong nilagyan ko ng gatas ang kainan nilang dalawa.



"Uh, kain na..." wika ko nang makita si Jauncy.



Tahimik kaming kumakain. Aksidenteng napatingin ako sa kanya na nakatitig pala sa akin. I don't know how long he's staring at me. My heart skipped a beat. Nervousness enveloped my whole system.



"Ano 'yon, Onse? Anong tinitingin-tingin mo diyan?"



"Let's go to the Mall, are you in? Bibilhan na rin kita ng mga damit na gusto mo."



Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain. Napakrus ako ng braso. Mariing napatingin ako sa kanya habang punong-puno ng pagtataka. Buy me clothes?



"Bakit mo naman ako bibilhan? Anong meron?" nanghihinala kong tanong.



"We'll make a vlog. Let's also bring Asher because he's the content of the vlog."



"Anong content ba? Pwede ring ako na ang maging camera man," I suggested.



"No need. You will also be part of the video and I already have a camera man."



Napakibit-balikat na lamang ako. Okay, bahala siya. Ako na naman ang kawawa nito sa mga fans niya. Ang hirap pala talaga ang maging malapit sa kanya. Pati mga nakasama niya ay pinaghihinalaan na talaga ng mga tao. Can they mind their own business?



Nag-e-enjoy akong napatingin kay Asher na halatang tuwang-tuwa sa paglilibot sa Mall, sa loob ng toy section. Ang naisipang i-content ni Jauncy ay bilhin ang kung anuman ang lalapitang laruan ni Asher. Ako naman ay parang yaya lang na sunod nang sunod.



"And also guys, si Xierl ang owner ng aso!" he stated while looking at the camera.



Peke akong napangiti at biglang pinagpawisan nang hatakin niya ako at biglang inakbayan habang pareho kaming nakasunod kay Asher na may inaamoy na laruan.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now