17

102 6 0
                                    


Drowned

HAWAK ko ang collar strap ni Asher habang naglalakad. It's exactly five in the morning. Kaninang alas kwatro y media ako nagising at nakapag-jogging na rin kaya palakad-lakad na lang ako ngayon.



Pagbalik ko ay naabutan ko si Jauncy sa kwarto nito na tulog pa rin. Nagulat rin ako dahil katabi na nito ang tulog ring si Nibbles. Pareho talagang mga tulog-mantika.



Nagtungo ako sa exercise room at inilatag ang yoga mat. Humiga na ako dito at inayos ang sarili. I started bicycle crunching and flutter kicking. 'Yon lang ang pinaggagawa ko hanggang pinagpawisan na naman ako ulit. Dumagdag pa si Asher na minsan ay tumatalon sa tiyan ko.



Nag-kape ako at pinaresan ng tinapay. My eyes narrowed when my gaze landed to Jauncy.



"Why so early?"



"Maaga dahil nagising ng maaga," sarkastiko kong sagot.



"Sabagay. Uhmm, hindi ka nagluto?" he asked in a sleepy tone.



"Sa tingin mo? Alam mo naman sigurong hindi ako nagluto ngayon, 'di ba? Saka kakagaling ko pa nga lang sa exercise room, e."



He chuckled softly.



"Let's cook together," he suggested.



Nasamid ako at napaubo ng ilang beses. Required bang pati sa pagluto ay kailangang may partner?



"No, thanks."



He just cooked an egg with onion. Naghiwa rin siya ng pipino at nilagyan ng suka, konting asin, at sili.



Inisang lagok ko ang kape na medyo malamig na. Inabot ko ang pipino at kumuha ng isang piraso. Medyo napanganga pa ako dahil sa anghang na panlasa na bumungad agad sa bibig ko. Ilan kaya ang sili na inilagay niya? Bakit sobrang anghang?



"Paborito ko pa naman ang kumain ng pipino. Pero seryoso? Mukhang ayaw mong magpa-share ah? Sinadya mo talagang damihan ang sili. Hays..."



"Hindi ko sinadya. Mahilig lang ako sa maanghang, hindi ka lang sanay."



Napatayo ako nang makarinig ng pag-doorbell. Sino naman ang bisita namin ngayon? Probably our parents. Kakamustahin na naman kami ng mga 'yon at uusisahin kung may namuong kakaiba na ba sa aming dalawa. Tss. Try harder.



Masayang tinanggap ko ang mga kagamitan para sa voice recording. Ang bilis namang dumating. Glad that Mr. Lim offered me this kind of opportunity. Inilagay ko ang mga ito sa guest room at bumalik na sa kusina.



"I discovered something," I opened up.



"What is it?"



"There's a beach nearby here. Open to anyone ba ang magpunta do'n? Like, walang bayad?"



"Ah, that beach. Wala namang bayad do'n," he said after swallowing his food.



Ang napapansin ko sa kanya ay malakas siyang kumain sa kada pang-umagahan. Minsan ko lang siyang nakikitang nagka-kape lang. Usually, nakakailang rice talaga siya.



"Let's go there later. Dadalhin na rin natin do'n sila Nibbles at Asher. Madalas ay walang taong nagpupunta do'n kaya timing para mamaya," he added.



Napaisip naman ako. Oo nga noh? Na-miss ko na rin kasi ang makapag-swimming. And besides, the view there is very relaxing.



"Sure ba! Do'n na lang din tayo mananghalian. Parang picnic kamo. Kaya magdala na rin tayo ng mga pagkain at tela."



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now