11

103 6 0
                                    


Almost

PAGDATING sa condo. Ilang araw kaming hindi nagpapansinan ni Jauncy. I mean, hindi naman kami nag-away pero ramdam ko ang palaging pag-iwas niya sa akin.



Pinakain ko muna si Asher at Nibbles bago naligo. I was already late to our two classes in the morning. Kaya naisip kong h'wag na lang pumasok at mamayang hapon na lang.



Aling Elda approached me and asked me kung nag-away ba daw kami ni Jauncy.



"Ayy hindi po. M-May pinagselosan kasi kaya nagtampo. Pero ayos lang naman kami, Aling Elda. Kinakausap niya naman ako kapag nasa kwarto," pagsisinungaling ko.



I really need to lie because I knew for sure, Aling Elda will report this to Mommy.



"Gano'n ba? Mukhang nagtampo nga siguro. Kanina kasi hindi man lang sumagot sa tanong ko."



Nawe-weirduhan ako sa ibinibigay na tingin ng mga tao pagpasok ko pa lang sa gate ng Willton. Ang iba na nahuhuli ko ay biglang napapayuko habang nagsisikuhan.



When I entered the room, silence enveloped me. Ilang segundo lamang 'yon dahil pagkaupo ko pa lamang ay agad silang nagsitayuan at nag-uunahang lumapit sa akin. They also simultaneously asked me the same topic. Hindi na nakakapagtaka kapag tungkol kay Jauncy.



Dati ay parang hangin lang naman ako sa kanila. I was once an invisible. Wala lang naman ang presensya ko sa kanila. Pero ngayon, parang ako na lang ang palaging inaabangan. Wow, sikat na pala ako ngayon? Kulang na lang ang magpa-fan sign sila sa akin.



"Nakita namin yung IG story ng mama ni Jauncy. What does that means?" nagtanong muli ang ex ni Danilo.



I actually don't know all the names of my blockmates. E, hindi naman kasi kami nagpapansinan dati. Siguro nalaman lamang nila ang pangalan ko dahil kilala rin naman nila si Ayen. But they never bothered to approach me. Ngayon lang nang ma-involve si Jauncy.



"Wait lang talaga ha? Wait lang," umayos ako sa pagkakaupo. "Uhmm, name mo pala?"



Danilo's ex glared at me.



"Yabang. Porke't nakakadikit lang kay Jauncy feeling mataas na rin ang narating," she murmured.



"Hoy! Anong nakakayabang do'n? Nagtanong lang naman ako because it's weird if I keep answering your question without knowing you, right?"



"Geniel. Happy now?"



"Uy, Geniel pala pangalan mo? Si Danilo kasi, e. Naging kayo pa naman tapos ni isang beses ay hindi ko narinig ang pagbanggit niya sa pangalan mo. Hindi ka kasi mahal kaya hindi siya proud sa'yo."



"I don't care! Just answer my question!"



Pinaglalaruan ko ang daliri ko at nakangiting isa-isa silang tiningnan. Ipinagsalikop ko muna ang mga palad ko bago nagsalita.



"Ayokong magsayang ng laway. Bakit hindi na lang kayo nag-message sa mama ni Jauncy? Kasi kung sa akin kayo magtatanong hmm... mahal ang bawat sagot ko e. Isang libo ang bawat sagot ko. Kaya mag-isip na kayo ng may kwentang tanong para hindi naman masayang ang pera niyo," biro ko.



Hindi ko aakalain na sineryoso talaga nila ang sinabi ko. Natawa na lamang ako ng palihim. Mga uto-utong chismosa talaga.



"Okay. So, anong dahilan ng biglaang closeness niyo ni Jauncy? Yung totoo?" tanong ng babaeng mukhang si Nanno.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now