21

107 6 0
                                    


Enjoy

BEING always invisible with the eyes of people is okay than being bullied. Honestly, nakakapanibago. I already experienced before of how bullying works. Pero iba ang ngayon. Ang lala.



Hindi lang ako makapaniwala na ang dating nakikita ko lang sa TV at YouTube na pambubully ay mararanasan ko rin pala. And it's been three days that I became a victim of bullying.



Kanina pagbukas ko ng pintuan sa room at sa pagpasok ko ay agad akong naligo ng itlog. May sumaboy kasi sa akin na may hawak na pitsel na kung saan ay puro itlog ang laman. I couldn't explain how frustrated I am already. Kaya habang may discussion ay nasa likuran lamang ako, medyo nanginginig sa lamig.



Inaaway ko ang gumawa no'n pero hindi ko na sinubukang magsumbong sa instructor namin at sa dean. Hindi ako bata na kailangan pang magsumbong nang magsumbong. I can defend myself anyhow so I don't need someone to help me defend myself from anyone.



"Okay ka lang?" nakipagpalit ng upuan si Geniel sa seatmate ko.



Tinaasan ko siya ng kilay.



"Sa tingin mo ba, okay ako ngayon? I don't have extra clothes right now!" giit ko.



"Oh, don't worry. I have some sa locker ko. Wala pa naman ang instructor natin ngayon sa sunod na klase. Samahan mo na lang muna ako sa locker room."



"Are you serious, Geniel? Maglalakad ako patungo do'n na amoy itlog? Didiretso na ako sa cr tapos hihintayin kita. Subukan mo lang na hindi ako siputin sa cr at yung boyfriend mo ang makakatikim ng galit ko," iritadong wika ko at agad na nakayukong nagmartsa.



Mabuti naman ay pinuntahan niya talaga ako pabalik.



"Salamat! Chupi! Bumalik ka na sa room at bahala na kung ma-late ako."



I texted Cyrill about what happened to me. He's to the rescue naman agad. Sinaway ko pa siya dahil magka-cutting class na lang daw siya para puntahan ako.



Agad kong nakita si Cyrill na nakasandal sa pader pagkalabas ko. Nagpapahid siya ng pawis sa noo gamit ang kulay blue na panyo. Ang gwapo niyang tingnan. I won't deny that Cyrill is very attractive. He's a moreno and very appealing to other girls. Mabuti na lang at may gwapo akong kaibigan.



"Why is this happening to you? Is Jauncy already aware about all of the mess he have cause?"



"Labas na siya dito. He has nothing to do with his fans."



"Oh yeah? Pero siya naman ang dahilan, hindi ba?"



"Ri..."



Ginulo niya ang kanyang buhok. Mataman niya akong tiningnan at nagulat na lamang ako nang bigla niya akong isinandal sa pader at siniil ng mapusok na halik. Nagpupumiglas ako pero agad namang nanghina ang tuhod ko nang makarinig ng tili ng babae. Someone caught us.



"Oh my, shems! Kayo pala?" gulat na sigaw ni Geniel sa aming dalawa.



"Tangina mo! Bakit ka nanghahalik?!" sigaw ko kay Cyrill. "At hoy Geniel, hindi kami, tanga ka lang!"



I just couldn't believe it. My ever best friend kissed me, especially inside the school. Anong ibig sabihin ng halik na 'yon? Parang gusto kong masuka. Sa sobrang pagkasira ng araw ko ay hindi na ako pumasok sa mga sumunod pa na klase.



Nag-text ako kay Jauncy na hindi na ako susunduin mamaya. Ibubulsa ko na sana ang cellphone nang makatanggap agad ng reply sa kanya.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now