Chapter 5

70.2K 2.9K 5.5K
                                    

Zajei's POV

"Shan, milk or chocolate?"

"Milk po." Nakangiting saad nito kaya ikinuha ko na siya ng gatas niya.

"Paano 'yon? I need to attend my class, baby. Sino ang makakasama mo dito?" Nag-aalalang tanong ko at umupo sa harap niya dahil may class ako ngayon.

Hindi ako pwedeng umabsent dahil graduating na ako at bawat isang araw sa college ay mahalaga. Minsan nga kapag umabsent ka ng isang araw ay parang nawala ka na ng ilang buwan dahil sobrang dami ng namiss na topic.

"I can take care of myself po, Ate Zj." Mahinhing sagot nito at kumain na.

Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast. Dito kasi siya natulog dahil ayaw niyang umuwi kaya malay ko ba kung saan ko siya ihahatid. Puyat nga rin ako kasi inalagaan ko siya kagabi kasi nga may lagnat siya. Dude, that was my first time on taking care of a sick child. Nakakastress pala 'yon lalo na kapag ayaw bumaba ng lagnat. Buti nga medyo bumaba na yung lagnat na ngayon, sinat nalang.

"You sure?" I asked na tinanguan niya lang. She drink the milk and smiled at me to assure me na ikinapanatag ng loob ko pero nag-aalala talaga ako sakaniya. "Fine. I'll give you a phone, do you know how to use it?"

May phone kasi ako na hindi ko na ginagamit kaya papahiram ko muna sakaniya.

"Opo."

I get my old phone out of the drawer and show it to her.

"May number na si Ate Zj dito. Just call me if you need Ate. Okay?" I said while smiling kaya tumango siya.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nag-alaga ng bata. One year lang kasi ang gap namin ni Yuki kahit na parang baby ang turing ko don.

"Opo. Take care po." Malambing na saad niya na ikinangiti ko. Ang gaan talaga ng loob ko sakaniya kahit na isang araw ko palang siya nakikilala.

"Take care too, baby. Before the sun sets, Ate Zajei will be here already."

She nodded and kiss my cheeks bago siya bumalik sa room ko. Ayaw ko man siyang iwan ay hindi talaga pwede kaya nagsabi nalang ako sa head manager ng building na tingnan siya every hour to check if she is okay.

Lutang na lutang ako nang makarating ako sa university dahil yung utak ko nasa condo.

"Boom!"

"Gulat ako, grabe mamamatay na ata ako." Sarcastic na reaksyon ko ng bigla akong sinubukang gulatin ni Phineas at Ferb.

Ang bubulok naman nila.

"Bakit wala ka na naman sa mood?" Phineas asked that made me think for a second.

Hindi ko kasi sure kung dapat ko bang sabihin sakanila na may bata akong kasama sa unit. Pero best friends ko naman sila kaya bahala na.

"May anak na 'ko."

"Ha? Tanga ka? Paano ka magkakaanak eh takot na takot ka ngang magbuntis." Nakangising saad ni Ferb kasabay ng pag-akbay niya sa akin.

"Bakit ayaw niyong maniwala? Eto oh anak ko." Ipinakita ko sakanila ang picture ni Shanen na natutulog sa kama ko kaninang umaga tapos nakayakap sa'kin. "Ang cute 'no? Magaling ako gumawa ng bata eh."

"Putangina. Who's this, Jei?" Gulat na tanong nila na magkasabay pa kaya tumatawang tiningnan ko sila.

Their face are so epic.

"Anak ko nga."

"Anak ka ng teteng, Zajei Loure. Nangidnap ka ba ng bata?!!" Ferb hysterically asked kaya agad ko siyang binatukan.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon