Chapter 7

72.3K 3.1K 3.4K
                                    

Zajei's POV

Kasalukuyang naglalaro ako ng ML habang nakaupo sa ilalim ng puno dito sa quadrangle.

Masyado kasing mainit sa pinaggagawan ng booth kaya tumakas muna ako. Wala naman ng ginagawa pero bawal pa mag-uwian kasi hihintayin pa namin si Dean to check our booth. .

"Punyeta, puro pabuhat." Bulong ko habang gigil na naglalaro.

Ang bobo kasi ng mga kasapi ko. Sinabing back-up pero mga inuna pa ang farm. Yung isa nang-aagaw ng buff tapos yung isa inagaw yung role ko tapos hindi naman pala marunong.

Putraydamo.

"Tangina talaga ng gumagamit kay Claude."

"Sumugod tapos walang minions!"

"Putangina!"

Hindi ko alam kung nakailang mura na ako pero gigil na gigil na talaga ako sa mga kasapi ko. Ang sasarap ireport ng mga hinayupak. Season kaya tapos ang makakasapi pa ay puro bopols kung hindi ka ba naman mainis.

"Ay tarantado, savage!" Nakangising batid ko ng makasavage ako kaya wipe out ang kalaban.

Ang swerte talaga ng mga kasapi ko sakin. Ang ganda ko na nga tapos ang lakas ko pa.

Buti nalang nasa tagong parte ako ng quadrangle kaya hindi masyadong mapapansin. Para pa naman akong tanga kasi nagsasalita ako mag-isa tapos biglang ngingisi kaya ipinagpapasalamat ko talaga na walang nakakakita sa akin dahil nakakahiya. Baka sabihin nila may saltik ako.

Nang matapos ang laban ay agad kong pinatay ang data ko dahil sunod sunod ang notifications ko. Ayaw ko na ding maglaro dahil nakakabwisit lang.

Time check, 3:01 pm. 4 pa ang dismissal namin dahil quarter to 3 pa raw matatapos ang meeting ni Sir Vonny. Kung tutuusin ay pwede na akong tumakas para makaalis na ako rito pero bilang isang mabuting estudyante, hindi ko gagawin ang bagay na 'yon. Takot ko nalang na maglinis ng cafeteria as my consequence.

Prenteng nakasandal lang ako sa puno ng biglang mahagip ng mga mata ko si Ma'am Acozta na parang may kaaway sa phone. Halatang may kinakausap siya dahil nakatapat ang cellphone niya sa kaliwang tenga niya tapos sobrang dilim ng mukha niya.

Nakakatakot talaga ang babaeng 'yon kapag galit. Tho, nakakatakot talaga siya minsan kapag sobrang seryoso niya pero ghad, mas hot lang siya kapag seryoso yung ekspresyon na nasa mukha niya.

Pero syempre, mas hot pa rin ako.

Nang ibaba niya ang cellphone niya ay tumayo ako at tumakbo sa direksyon niya. Medyo malayo yung pagitan namin, siguro nasa 8 meters.

"Hello Ma'am!"

"Not now, Miss Montero." Seryosong paalala nito bago nagsimulang maglakad papalayo.

Nakasunod naman ako sakaniya pero malayo ang pagitan naming dalawa. Baka bigwasan ako no'n kapag mas kinulit ko siya eh.

"Can I go now? Shanen is in the hospital."

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya kay Sir Vonny na andito na pala sa open field.

Pero teka, nasa hospital si Shan?!

"What? Why?" Nag-aalalang tanong ni Sir bago tuluyang hinarap si Ma'am na seryoso lang ang mukha. "But you're coding right? Do you want a ride?"

"No. No thanks, Sir. I can handle." Sagot ni Ma'am dahilan para tumingin sa gawi ko si Sir Vonny.

Napaiwas naman ako ng tingin at kunwaring tinitingnan ang mga kuko ko ng lumingon din sa gawi ko si Ma'am.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon