Chapter 19

76.2K 3.4K 8.5K
                                    

Zajei's POV

Parang tangang nakatayo ako sa harap ng pinto nang office ni Ma'am. Hindi ko malaman kung kakatok ba ako o ipapabigay nalang sa ibang students ang sadya ko rito.

"Ahm, ehem." I cleared my throat at itinaas ang kanang kamay para sana kumatok pero tila nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang seryosong boses niya.

"What are you doin' here?"

"Ah, ano, oo e-eto po yung ano pinapabigay po ni ano." Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko lalo na noong naglakad siya papalapit sa akin na walang kung anong emosyong mababakas sa mga mata niya. Seryoso at malamig lamang ito.

"Puro ka ano." Puna niya bago buksan ang pinto at nauna nang maglakad papasok rito.

"Why are you here?" She asked again when she already make herself comfortable on her swivel chair.

"Eto raw po yung files na hinihingi niyo sa admin." Iniabot ko sakaniya ang mga hawak kong folders na kinuha naman niya at tiningnan.

"Who gave this to you?"

"Si Wave po." Simpleng sagot ko na ikinaangat ng tingin niya. She stared at me for almost two minutes bago muling ibinaling ang atensyon sa binabasa.

"Okay." Tanging sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ma'am? Hindi mo po ako namiss?" Tanong ko habang nakatayo sa tapat ng lamesa niya.

Halos tatlong araw din kaya kaming hindi nag-usap dahil naging busy ako matapos noong cafeteria at sa may tapat ng admin building scene namin pagkatapos n'yang mag-walk out. Pagkatapos kasi noon ay umuwi na lamang ako at natulog para makapagpahinga tapos ay pagpasok ko muli sa university ay tambak ang paper works naming nasa Architecture officers.

Ngayon na nga lang ulit kami nagkita tapos ang cold pa ng asawa ko. Ganon ata talaga kapag sobrang namiss ako.

"Why would I miss you?" Kunot noo'ng tanong niya na ikinangiti ko ng patago.

"Kasi ako namiss kita kaya dapat namiss mo rin ako." I says and lean on her table saka ngumiti ng matamis.

"Tell me you miss me too, Ma'am." Agad kong pinagsisihan ang sinabi kong iyon ng parang nag-iba ang dating nito. It seems like it turned into a seductive demand.

"I don't miss you, Miss Montero." Prankang wika niya na ikinalabi ko. She's just staring at me plainly bago ibinaba ang folder na hawak at sumandal sa upuan niya. "You can leave now. I still have a lot of things to do."

"Ayaw ko, Ma'am. Dito po muna ako." I insisted saka umupo sa upuan na nasa harap ng table niya. "Babantayan kita."

"I'm not a kid."

"But you're my baby." I smiled triumphantly when she glared at me saka ako tinaasan ng kilay.

Tila walang epekto sakaniya ang sinabi ko dahil nagpatuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa matapos akong balingan ng tingin.

"Miss Montero--" I cut her off saka inilapag ang sketch pad ko sa table niya.

"Yes misis ko?"

I saw her rolled her eyes before shooking her head. Parang nauubusan na siya nang pasensyang kausapin ako na hinayaan ko na lamang kaysa naman paalisin niya ako. Hindi ako umattend ng class ko ngayon dahil nagkameeting kami tapos free cut naman 'yon at sure akong walang quiz na magaganap.

Takot nalang sakin noong professor ko sa minor subject. Zajei ata 'to.

"Alam mo, Ma'am, naiisip ko nang magkaanak." I nonchalantly said and play the pencil on my fingers. Nagd-drawing kasi ako ng bahay na hindi ko alam kung bakit.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon