Chapter 41

117K 2.9K 8.5K
                                    

Zajei's POV

Nakatulala at malayo ang tanaw na nakapahalumbaba ako sa classroom namin.

Completion of requirements nalang this week kaya kung tutuusin ay pwede na akong hindi pumasok pero mas pinili ko pa ring pumunta rito sa university.

Wala rin naman kasi akong gagawin sa unit ko kung hindi ang tumunganga.

Sandali kong inilibot ang aking paningin sa loob ng nagkakagulong classroom bago ako tumayo at tumulong sa iba.

"Press, the best ka!"

"Ang ganda mo, Zajei Loure. Magka-lablayp ka sana."

"Ayieeeee! Si Zj blooming. Ang fresh masyado ng president natin."

"Deserve mo ng jowa, kumare."

Isang irap at ngisi lang ang iginawad ko sakanila nang matapos namin ang mga ginagawa nilang requirements na ngayon ang due. Umalis na rin ako sa room after that at nagtungo sa cafeteria.

I bought blueberry milktea before I sat on the corner para hindi masyadong pansinin.

If this is just a normal day, for sure dapat nasa office ako ni Ma'am. Pero ayaw ko munang guluhin s'ya. Nag-gagawa 'yon ng grades for sure kaya dapat lang na hindi muna ako pumunta.

Actually, dalawang araw na akong hindi pumupunta sa office n'ya. After naming umuwi galing Cebu ay inihatid ko lang s'ya sa bahay n'ya saka ako umuwi.

Wala rin naman kami masyadong ginawa sa Cebu. More on tambay lang sa hotel suite namin dahil hindi na n'ya ako makausap ng matino after I saw that death threat.

Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa mga taong nakapaligid sa'kin. I know that some of them is a traitor but I don't fvcking care who the hell are they. Basta 'wag lang nilang sasaktan ang pamilya ko.

"Lonely?"

"Leave me fvcking alone, Kaios." Hindi tumitinging tugon ko dahil nakatungo lang ako sa may lamesa.

"Problem?" He asked at parang hindi pa ito natinag nang tingnan ko s'ya ng masama when he sat in front of me.

Jusko, 'wag sanang maisipan ni Ma'am na pumunta rito sa cafeteria dahil paniguradong manunuyo ako kapag nakita n'ya ako kasama 'tong damuhong nakaupo sa harapan ko.

"You." I rolled my eyes and look at my beverage on the table.

Hindi talaga ako mahilig sa milktea pero meron atang secret potion 'tong milktea sa cafeteria dahil ang sarap masyado.

"Me? A problem? Why?"

"Yung mukha mo ang problema." Mas lalo ata akong nawala sa mood when I saw two men at the corner of my eyes.

Damn. Mukhang may mababaog sa tatlong 'to kapag dito sila nag-away sa harapan ko.

"Feeling gwapo ka Wave, mukha ka namang hippopotamus." Pambabara ni Kaios sa nagsalita kanina.

Hindi ko na sana sila papansinin ng mapansin kong umupo pa ang dalawang bagong dating. Ice sat beside Kaios tapos si Wave naman ay sa tabi ko.

"Zajei, tangina namiss kita." Sabay na wika ng kambal na bigla na lamang sumulpot sa tabi ng table namin.

"Ang duga mo! Bakit hindi mo kami isinama sa Cebu? Nagpunta pala kayo ni Atedgfhgjgj!" I kicked Samara's leg when she was about to say who I am with during the Cebu trip.

"Where's my cousin?" Mataray na tanong ko nang umupo sa tabi ko si Sven dahil ibinigay ni Wave yung upuan n'ya para dito.

"Aba ewan ko do'n sa pinsan mo. Manang mana sa'yo, napakalakas ng toyo. Dinaig pa ang Datu Puti soy sauce."

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon