Chapter 13

79.1K 2.9K 3.4K
                                    

Zajei's POV

"Hello pips." Nakangiting bati ko sa tatlong ugok na nasa ilalim ng puno dahil kakatapos lang naming mag-meeting kasama ang iba para sa gagawing pagtulong sa pagbuo ng school.

"Tuwang tuwa ka ah." Puna ni Phin na mas lalong ikinalapad ng ngiti sa labi ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nabubura sa isipan ko ang imahe ni Ma'am na nakangiti.

It seems like it will be imprinted in my mind for the rest of my life. She just smile at me like she was so amuse and ackkk ang ganda niya lalo. Mas dumagdag pa sa kagandahan niya na maganda ako na katabi niya kaya parang nag-glow yung place kung saan siya ngumiti kasi ngumiti rin ang dyosang si Zajei Loure.

"Tangna mo Zajei bakit ganyan ka ngumiti?" Naguguluhang tanong ni Ferb pero nginisian ko lang siya bago tumabi ng upo kay Kaios dahil ayun na lamang ang vacant space. "In love ka ba?"

"Hindi." Agad na tanggi ko dahil parang tanga ang lumalabas sa bibig niya. "Ikuha niyo akong tubig at pagkain mga alipin." Pautos kong sambit sa kambal para tumigil sila sa kakaasar sakin. Gusto ko ding makausap si Kaios dahil naguguluhan ako sa ikinikilos niya.

Tumatawa naman siya pero may iba sa mga ngiti niya. He seems like he is battling with himself.

"Sinong alipin ha?!" Inis na tanong ni Ferb pero tinaasan ko lang siya ng gitnang daliri saka sila pinalayas.

"I know that looks, Jei." Umiiling ngunit nakangiting saad ni Kai ng umalis na ang kambal at binalingan ko siya. "What do you want to talk about, Zj?"

Okay, he really knows me.

"What's bothering you?"

"Ikaw. Hindi mo pa ako pinapayagang manligaw eh." He answered trying to be serious as hell but I just rolled my eyes and didn't buy his alibi.

"Seriously Kaios, what's wrong? You seems off simula pa kanina." Pansin ko dahil mukhang lutang na lutang siya and he's been extra quiet and not on his usual self.

Nang hindi siya sumagot at umiwas ng tingin sa akin ay lalo akong naguluhan sa inaasta niya. He will never be a good liar, masyado siyang transparent.

"Zajei, hindi ba talaga pwede?" Hope is evident on his eyes when I held his cheeks to make him look at me.  "Just give me one last chance and I won't do the same mistake again. I will never broke your trust again."

He hold my hands at his cheeks and gently massage it na ikinalambot ng ekspresyon ko. Kaios is a good friend of mine, really. Isa siya sa taong pinagkakatiwalaan ko maliban sa kambal at kay Yuki because I have trust issues since eternity.

That's why earning my trust is a hard thing to do because once you earned it, you shouldn't broke it.

"Sorry." Mahinang sambit ko bago ibaba ang mga kamay at ipinatong sa balikat niya. "Ayaw ko na, Kai."

He nod his head and smile sadly before getting my hands on his shoulders and kiss my knuckles.

"If ever you change your mind, just let me know, Zj. Marupok ako pagdating sayo kaya lagi kang may babalikan." He said that made me scrunched my nose.

"Parang tanga Kaios ha." I smile playfully and hit his upper arm na natatakpan ng sweater niya. Kumunot ang noo ko nang napangiwi siya kaya inulit ko ang paghampas at doon siya napasigaw.

"KAIOS, HUBAD." I utter bossier than ever. "HUBAD, KAIOS GALLAGHER!!" Singhal ko kaya wala siyang nagawa kundi hubarin ang suot niyang sweater mula pa kanina.

Nang matanggal niya ang pinapatanggal ko ay tanging sando na lamang ang natira kaya kitang kita ang biceps niya. I frowned when I saw a bandage on his upper left arm. Halatang fresh pa ang sugat kaya nakakunot ang noo'ng sinuri ko ito at hinawakan ng may pag-iingat.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon