Chapter 10

75.6K 3.2K 8.1K
                                    

Zajei's POV

"Putangina ka. . . Isa ka pa." Pagalit na saad ko sa kambal saka sila parehas na binatukan at hinampas sa sikmura.

Mga traydor!

"Tangina naman Zajei! Mabigat 'yang kamay mo, alam mo ba yon?!" Singhal ni Phineas habang himas himas ang sikmura niya.

Imbis na sumagot ako ay binalingan ko naman si Yuki na nasa likod ni Sir Vonny at nagtatago. I glared at her saka siya mabilis na hinablot at pinitik ang ilong.

"Damn."

"Damn din kayo." Sambit ko saka sila inirapan. "You sabotage me! Pinagkaisahan niyo 'ko!" Madamdaming pahayag ko pero inismidan lang nila akong apat dahil nasa office na kami ngayon ni Sir Vauh.

"Parang hindi mo ginusto yung nangyari ah! Ang haba nga nung vows mo akala mo naman lab ni Ma'am." Pagpaparinig ni Ferb kaya sinipa ko ang binti niya at tiningnan ng masama si Phineas ng akmang tatawa ito.

Grabe ang inabot kong hiya dahil sa ginawa nila. Ang akala ko pa naman ay yung crush ko na taga culinary o yung poging librarian ang ipapakasal nila sa akin pero yung may asawa pala tapos instructor pa namin.

Kung hindi ba naman mga gungong ang mga 'to.

"At ikaw!" Turo ko kay Uncle na tinaasan lang ako nang kilay kaya tinaasan ko rin siya. "Ipinagpalit mo 'ko sa 200 pesos na bayad sa marriage booth para sa funds ng archi department!! Aym paking hurtttt!!"

"Excuse me. The twin paid 1000 pesos just to have my consent. Be practical, Zajei. Think wisely."

"So sinasabi mo na mas mahalaga ang 1000 kaysa sakin? Ibenta ko kaya yung collection mo na mga sapatos na binibigay mo sa mga fafa mo!" Himutok ko pero binato lang niya ako ng graphite pencil na hawak hawak niya kanina.

"Isusumbong kita kay Lolo at Lola! Hindi na kita bati from now on!" I said, acting like a brat and glared at the four of them. "Lahat kayo hindi ko na bati!"

Then I walked out from the office and decided to go at the library para tumambay muna.

Sisilay muna ako sa poging librarian dahil ang tagal ko nang hindi nakikita ang taong yon. For sure miss na ako ni Kuya.

Tahimik lang akong naglalakad kahit ramdam na ramdam ko yung tingin ng mga tao sakin. Gandang ganda na naman sakin ang mga yan kaya tingin nang tingin.

Kanina ko pa nararamdaman ang pag-vibrate ng phone ko but I just turn it off para isipin nila na galit talaga ako. Actually, nag-iinarte lang talaga ako para ibili ako agad ni Uncle ng play station na hinihingi ko. Ganon yun eh, kapag nagtatampo ako ay ibinibili ako ng kung ano ano para pang magbati kaming dalawa tapos kapag naman siya ang nag-iinarte ay tinatawagan ko yung mga alam kong crush niya para ichat siya.

"Hey, Zajei." Nakangiting bati ni Kuya Dale nang makalabas ako mula sa elevator. "Balita ko ikinasal ka raw."

"Oo nga Kuya pero ubos na ang shanghai." Pagpatol ko sa sinabi niya saka nag-fill up ng form para kunwari magtatagal ako dito kahit titingnan ko lang siya mula sa malayo.

Ganon talaga kapag nagkagusto ka sa isang school staff tapos hindi mo pwedeng landiin kasi maiissue ka sa university. Hanggang tingin ka lang from a distance tapos ang masakit pa, mas binibigyan pansin pa niya ang mga libro kaysa sa akin.

Charot!

Ang drama masyado.

Close lang talaga kami ni Kuya Dale kahit na crush ko siya tapos alam niya rin kasi sinabi ko. Tawa nga siya nang tawa kaya nakitawa rin ako habang nagcoconfess para same vibes.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon