Chapter 26

90.2K 3.1K 6.6K
                                    

Zajei's POV

My head is still hurting. Ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko lalong lalo na sa lalamunan.

Damn.

Pipikit pikit akong umupo sa kama at sumandal sa may headboard dahil talagang nahihilo ako. Idagdag pa ang bukas na mga blinds kaya lalong ang sakit sa mata dahil tamang tama sa mukha ko yung sikat ng araw.

"Where are you. . ." Mahinang saad ko habang iginagala ang paningin sa loob ng kwarto.

This is the second time I slept here pero the amazement is still on me. Ang ganda talaga ng kwarto niya.

Gusto ko mang makita ang taong hinahanap ko ay hindi ko magawa dahil para akong nalumpo sa sobrang sakit ng katawan ko. I tried to move my legs and thankfully, I did. Dahan dahan akong bumaba sa kama and the first thing that caught my attention is the tray full of food near the closed balcony door kung saan mayroong mini sofa set.

I walked towards it and a smile automatically formed on my lips.

"I need to go to school. Just eat and rest. Take your meds also and kindly send me a message after you eat."

Parang tangang nakatayo ako habang hawak ang note na iniwan niya. Maaraw na ang panahon kaya walang suspension na naganap. Siguro umulan lang kahapon gawa noong sign na hiningi ko.

Lakas ko naman kay Lord.

Wala man akong ganang kumain ay nagawa ko pa ring ubusin yung hinanda niya saka ininom ang gamot na kasama. After that, I took a picture of it saka isinend sakanya through Instagram dahil hanggang ngayon ay wala kaming number ng isa't isa.

@zajei_loure
*Send a picture
Good morning, Ma'am! Thanks for the breakfast!

It's just around 10 in the morning and I know that she's in the middle of her class. Probably our class dahil may class sana ako ngayon sakaniya kaso absent ako.

Ngayon lang naman ako umabsent for this sem kaya sana walang toyoin na professor at pagawan pa ako ng sandamakmal na reports.

@Saviel
Did you take your meds?

My eyes widen in shock ng makita kong may reply siya matapos kong magtoothbrush using her spare one in the bathroom.

Shocks! Hindi naman gumagamit ng cellphone si Ma'am sa klase niya kaya nakakapagtakang nagreply siya sa akin ngayon.

@zajei_loure
Yup!
Btw, why are you using your phone? Vacant mo, Ma'am?

I lay in the bed again matapos kong makapagwash-up at mahugasan yung pinagkainan ko.

Nakakahiya naman kay Ma'am kung itatambak ko nalang 'yon basta sa kusina niya. Luckily, hindi na masyadong kumikirot yung ulo ko kaya wala namang nabasag na pinggan, muntik lang.

Matagal bago siya nakapag-reply kaya nagcheck muna ako ng group chat namin nina Yuki at ng kambal. Nakita ko pa ang latest bangayan nila habang hinahanap nila ako kanina dahil bakit daw absent ako which is really rare to happen.

Ang dami na nga ring flood messages ni Yuki at Kaios na hindi ko na muna binuksan pa dahil busy ako sa pagbabackread.

@Ferbienot
Nabuhay ka kapitang Zajei!

Buhat sa kaniyang chat ay nagsunod sunod na ang chats nila kaya nagtaka na ako dahil nga may class sila ngayon kay Ma'am Acozta.

@Phinphin
Anyare sayo, Jei? Humihinga ka pa ba?

@itzsamara
Oy Saje, saang impyerno ka nagsuot?

Kasali na pala sa group chat namin si Sven, ngayon ko lang napansin. Hindi naman kasi ako usually nakikisali sa gc namin dahil masyado akong tamad magtype dahil nga mas nakatuon ang oras ko minsan sa mga online games.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon