Simula

2.7K 81 18
                                    

Paalala -  Lahat ng tauhan, pangalan at pangyayari sa istoryang ito ay kathang-isip lamang. Ngunit bilang bigyan ng kaalaman ang bagong henerasyon sa mga kultura at paniniwala ng ating mga sinaunang ninuno ay isinulat ko ang ibang 'nasaliksik' na paniniwala at kultura ng ating ninuno. Kung ako
man ay nagkamali ipag-paumanhin niyo sapagkat ako ay isang kabataan lamang na nais ibalik ang nakaraan na walang bahid ng espanyol o anong mang banyagang mananakop.

Sana ay iyong basahin ang nobelang ito dahil upang mas lalo natin matutunan at mahalin ang tunay na atin!
***


In another life...

Sabi nila ang pag-ibig ay tulad ng isang baybayin. Mahirap basahin, mahirap unawain at mahirap isulat sa tadhana ng buhay ngunit kapag ito'y isinapuso at pinaghirapang unawain iyong malalaman ang nakatagong salita sa bawat hiwaga. Ang pag-ibig ay tulad ng baybayin kailangan ng panahon at pasensya sa bawat hiwaga nito.

"Binibini, iyong ipagpaumanhin ngunit mahigpit na ipinag-uutos ng kamahalan na hindi maaring pumasok ang kahit sino," punong respeto na sabi ng kawal.

Nasa labas ako ng silid ng kamahalan.
Hindi ko mapigilan na kabahan sa mga nangyayari.

Ang dating tahimik na Bayan ay ngayo'y nais sakupin ng banyaga! Ang dating payapa'ng Bayan ngayon ay didiligan ng dugo.
Maraming tao ang magsasakripisyo ng buhay para sa kalayaan ng Bayan para sa mga susunod na henerasyon.

"Hindi! Papasukin niyo ako!"  nagpupumilit parin akong pumasok.

Alam ko ang mangyayari. Ipagtatanggol nila ang ating Bayan laban sa mga Espanyol. Matatalo sila at kakalimutan ng  modernong panahon.

Bakit ko alam?Sapagkat nagmula ako sa hinaharap. Sa henerasyong nabuhay sa malayang bansa. Teka, malaya nga ba?

Maraming kabataan ang lumimot sa baybayin kasama na ng nakaraan.
Kinalimutan ang nakalipas ngunit nabubuhay sa sakit ng nakaraan.

"Binibini, ilang beses na namin sinasabi sa iyo na hindi maaaring pumasok ang sinuman sa silid ng kamahalan,"  malamig na sabi ng isa pang kawal.

Ngunit hindi ako nagpa-awat sa kanila at tinulak ko sila hanggang sa makapasok ako.
Nakita ko agad ang kamahalan. Ang prinsipe na bumihag sa aking batang puso, ang Haring inibig ko at ang kamahalan na ngayon patuloy ko'ng iibigin.

Lahat tayo nagsasabi na alam natin ang salitang 'pag-ibig'. Ngunit iilan lang sa atin ang nakaka-alam ng kahulugan nito. Akala ko alam ko na ang lahat. Ngunit nang dumating siya sa buhay ko doon ko lang nalaman na wala pa pala ako alam. Madaling sabihin na mahal mo ang isang tao kapag masaya ka. Ang pagmamahal ay kailangan ng panahon upang mahubog, Ang pagmamahal ay kailangan ng pasensya at pag-uunawa.
At lahat ng 'yun ay itinuro niya sa akin.

Hindi makasarili ang pagmamahal dahil lagi ito handang magpaubaya at magpalaya.

Ngunit handa akong masira kung kapalit nito ay kanyang kaligtasan.
Ang pagmamahal ko ay makasarili dahil handa akong lumubog sa dagat ng panahon para lamang mailigtas ang taong nagbigay sa akin ng rason upang mabuhay.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong.

Hindi ko na mapigilan ang umiyak.
Makakayanan ko ba na umalis kung alam kong narito sa nakaraan ang buhay ko?

"Sumama ka sa akin. Magpakalayo-layo tayo at mabuhay ng tahimik sa ibang bayan. Paki-usap, Mahal..." gamit ko sa garalgal na boses.

Sa buhay ko hindi ko na mabilang kong ilang beses na ako nag maka-awa. Nagmaka-awa na mahalin, samahan at huwag iwang mag-isa. Ngunit tila hindi ako kayang pakinggan ng mga tala. Dahil kung ilan beses akong nagmamaka-awa ganon din karaming beses akong nasugatan, naiwan at nabigo.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon