Kabanata 19

166 21 29
                                    

We all want to cope with tragedy and with our broken heart. It's not easy to continue our life without those person who once become our home but we should move on and continue our battle . I know it's heartbreaking but we gotta go without those person who make our life into fairytale.

Hindi ko alam kung ano ang misteryo sa likod ng pagdurusa ni Agni ngunit batid ko na siya ay biktima ng maling pag-ibig at maling panahon.

Balang araw alam ko na maghihilom ang sugat ng kahapon at kapag naghilom ito tiyak na siya'y magiging masaya sa gitna ng pighati.

"Nagka-usap kami ng iyong ama at nais niya na umuwi ka na sa inyong tahanan" salubong ni Isagani ng lumabas siya sa silid kung saan sila nag-usap.

"Nakita mo si Ama?" andito pala sila ngunit hindi ko man lang sila nakita.

"Kasalukuyan siyang kausap ng Hari" mahinahon ang kanyang boses.

"Umuwi na tayo" Yaya ko sa kanya dahil kanina pa ako naiilang sa titig ng isang babae sa di kalayuan sa amin.

"Nasaan si Hiyas?" tanong niya

"Umalis siya sapagkat tinawag siya ng isang agurang" ang creepy din ng babae na yun. Kung ano-ano sa akin sinabi na hindi ko maintindihan.

"Mas mabuti nga na tayo'y umalis na" determinado niyang sabi. Nakita niya siguro na naiilang ako.

"Mabuti nga" pag aayon ko sa kanya.

"Mauna ka na mag-lakad" iginaya niya ang kamay niya papunta sa aming daraanan.

"Sabay na lang tayo.... Paki-usap" gusto ko siya maka-usap at dumami pa ang mga memories na babaunin ko mula sa panahong ito.

"Sige" nagsimula na ang aming paglalakad.

"May traydor sa bayan?" kagat labi kung tanong. Alam ko na confidential information ang hawak niya ngunit hindi parin maalis sa isipan ko Kung sino ang traydor sa bayan.

Batid ko na gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang bayan na kanyang mahal. He is the kind of leader who is willing to die for the sake of his country and countrymen.

At oo, natatakot ako para sa kanya

"Paumanhin, hindi ko maaari sabihin kung sino. Ngunit lagi mo tatandaan na lahat ng aking ginagawa ay para sa ikakabuti ng aking bayan at para sa ikakabuti mo" seryoso niyang sabi.

Hindi mo naman kailangan ako obligahin sapagkat alam ko na iba ang iyong priyoridad.

"Alam mo ba kung ano ang mas masakit?" tanong ko sa kanya.

"Ano?" he ask me back

"Ang mamatay sa bayan na walang paki-alam sa'yo"

"Ang bayan ay hindi natutulog, nakikita nito ang bawat sakripisyo at hinanagpis ng bagani. Hindi umiidlip ang bayan sapagkat nababatid nito ang iyong buhay na inalay para sa kanya." makikita mo sa kanyang mga salita ang kanyang walang katumbas na pagmamahal para sa kanyang bayan.

" Ang pagmamahal mo sa bayan ang siyang papatay sa'yo" ngayon palang naawa na ako sa iyo.... Mahal na prinsipe. Dahil kung sakaling ikaw ang napadpad sa henerasyon ko baka pagsisihan mo na minahal mo ng wagas at puro ang bayan na tumalikod at nakalimot sa iyong pagmamahal.

"Kung gayun, Mamamatay ako ng taas noo at may ngiti sa labi." he replied.

"Handa ka mamatay para sa bayan" and I'm so proud of you. Naala ko ang sabi ni Dad sa akin noon bago pa mamatay si Kuya Eze na nais niya makita ako sa korte lumalaban ng may paninindigan at prinsipyo. Nais ni Dad na maging abogado ako at ipaglaban ang bayan pati ang naaapi.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon