Kabanata 25

164 16 2
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dapat ko gawin o maramdaman. Halo-halong emosyon.

Agni is a victim of fake promises. Biktima ng mapait na tadhana at ng tamang pag-ibig sa maling panahon.
Nais ko magalit sa hari kung bakit sa panahon na kung saan kailangan ni Agni ng masasandalan ay pinili niya hayaan at iwan si Agni ng wasak at durog. Ngunit nais ko din magalit sa tunay na ama ni Mayari sapagkat sa ginawa niyang kapanghahasan kay Agni na nag-iwan ng marka sa kanyang pagkatao. At nais ko magalit sa aking sarili sapagkat inakala ko na nais lamang ni Agni na paglayuin kami ni Isagani.

Nagmahal lamang siya ngunit bakit kailangan niya mawasak at masaktan ng ganito? Hindi ba maari na magmahal ng masaya at walang sakit sa huli?

"Kailangan mo iwan ang prinsipe. Ayaw ko maging tulad ka sa akin. Hindi ko kakayanin na makita ka nasasaktan at durog na dugog dahil sa maling pag-ibig. Darating ang araw na iiwan ka niya at pipiliin ang bayan habang ika'y wasak at hindi alam kung paano muling babangon" determinadong sabi ni Agni.

Ngunit makakaya ko ba na iwan ang prinsipe? Makakaya ko ba na kalimutan siya? At magmahal ng iba?

Dahil sa labis niyang paghikbi ay napa-upo na siya sa sahig at niyakap ko siya ng mahigpit.

Ramdam ko ang kanyang sakit, pighati at pagdurusa. Namalayan ko na lamang ay umiiyak na rin ako. Sana andun ako noong mga panahon na kailangan niya ako. She doesn't deserve this kind of pain.

Nais niya ng makakasama, ng mahahawakan ngunit sa panahon ng kanyang kadiliman ay wala siya maaninag na liwanag.

"Lahat ng taga-bayan ay alam na ang ating madilim na nakaraan. Iisipin nila na nais lamang natin ang trono, kung patuloy mo mamahalin ang prinsipe hindi magiging madali ang lahat para sa inyo. At maiiwan ka sa huli habang sila ay masaya sa kanilang buhay". Mahinang wika ni Agni.

It sucks to be left in autumn while everyone are blooming in spring.

Alam ko ang sakit na maiwan sa dilim habang ang lahat ay nagsasaya sa liwanag.

"Hindi niya ako iiwan. Huwag ka sa amin mag-alala sapagkat hindi siya tulad ng kanyang ama. Lahat ng kanyang pangako ay kanyang tinutupad". Si Isagani ang tipo ng tao na tutuparin ang kanyang pangako kahit gaano pa ito kasakit.

"Ganyan din ang hari noon. Lahat ng salita niya ay kanyang tinutupad." mapait niyang sabi.

Maaring nananalaytay man ang dugo ng hari sa kanya ay batid ko na magka-iba sila ng paniniwala at panindigan ngunit pareho lamang sila na may wagas na pagmamahal para sa bayan.

Hindi niya ako iiwan at sigurado ako diyan. Sapagkat sa haba ng pagkaka-kilala ko sa prinsipe alam ko na siya ang tipo ng tao na hindi marunong sumira sa kanyang mga pangako.

"Iba sila" tanging nasabi ko naamang.

"Binibigyan kita ng huling pagkakataon upang makipag-hiwalay sa prinsipe." may diin sa boses nito.

Narinig ko ang mga angal nina Ama, Ina at Kuya.

Hindi ko nga pala sila tunay na mga magulang. Kaya pala ganun na lamang ang pag-aalala ni Agni sa akin at ngayon ko lang napansin ang sweetness niya sa akin.

" Ina...." maktol kung sabi.

Nakita ko ang pagbilog ng kanyang mga mata. Gulat na gulat siya sa pagtawag ko sa kanya na Ina.

"Ginagawa ko lamang ito para sa iyo sapagkat tulad ng kanyang Ama, iiwan ka rin niya" sabi niya na parang alam na niya ang mangyayari sa hinaharap.

"Bigyan mo ng pagkakataon si Isagani na patunayan ang kanyang sarili" halos magmaka-awa na ako sa kanya.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon