Kabanata 24

161 19 4
                                    

Masaya nga ba ang mag-mahal? O dapat ka matakot sa susunod na mangyayari kapag ka nagmahal? Almost everyone of us consciously avoid happiness because they/we are afraid of the tragedy will happen next.

Dahil ayon sa isang ka sabihan 'Walang ligayang pang-ibabaw ang hindi nadidiligan ng luha', because of this proverbs halos lahat na tayo ang takot maging masaya. Ngunit hahayaan ba natin na ang takot ang kumontrol sa buhay natin? Dahil ako, tapos na ako mabuhay sa takot. Kahit gaano pa ito nakakatakot handa ako maging masaya at isawalang-bahala ang kinabukasan na puno ng takot alang-alang sa taong mahal ko.

Sa pagkakataong ito pipiliin ko ang aking kasiyahan, pipiliin ko ang aking sarili at pipiliin ko ang aking mahal. Maaring balang araw ang aming pagmamahal ay magiging biktima ng 'tamang pagmamahal sa maling panahon',at least wala kami pagsisisihan sa huli.

"Oo" I answered. Handa ako tahakin ang bukas na walang kasiguraduhan sa piling mo.

"A-Anong O-Oo?" naguguluhan niyang tanong habang kinakabahan.

"Pumapayag na ako maging iyong kasintahan" masaya kung sabi.

Nakita ko kung paano lumaki ang kanyang ngiti. At gagawin ko ang lahat para mapanatili ang ngiting iyan. Ang ngiti na lagi sa akin nagbibigay ng rason para maging maligaya.

"T-Totoo ba iyan?" natawa na lamang ako. Nais niya talaga maging sigurado.

"Oo" ulit ko.

Bigla na lamang niya ako niyakap ng mahigpit at halos hindi na ako makahinga sa kanyang yakap.

"Salamat" he cupped my face. "Pangako, hindi ka magsisisi sa iyong desisyon" Sobrang saya niyang sabi.

Sana nga hindi ako magsisi na nagmahal ako ng wagas at puro.

"Alam ko." may ngiti kung sabi. "Sapagkat alam ko na hindi mo sisirain ang iyong mga pangako"

Tulad ng mga bituin sa langit na kay dilim, magtitiwala ako sa kanyang ningning sapagkat batid ko na kahit gaano pa kadilim ang aming tahakin na landas hindi siya susuko sa pagbibigay ng liwanag sa aming relasyon.

"Maaring marami ang magiging balakid sa ating relasyon ngunit nais ko magtiwala ka lamang sa akin. Hindi kita bibitawan at sana hindi mo rin ako bitawan sa oras ng kaguluhan. Makaka-asa ka na sa bawat desisyon na aking pipiliin ikaw ang aking iniisip." seryoso niyang sabi.

Laking gulat ko nang wala ako makitang kaba o agam-agam sa kanyang mga mata.

True love won't make you feel uneasy and nervous because the right one will make you grow and secure your happiness.

" Asahan mo na magtitiwala ako sa iyo at hindi basta bibitaw sa atin" sabay hawak ko ng kanyang kamay.

"Ikaw ang aking bituin" bulong niyang sabi sa aking taenga.

Finally, I found the man who accepted my own shine.

"I love you from the moon and back" seryoso kung sabi.

Bakas ang kaguluhan sa kanyang mukha.

"Ibig sabihiin ng aking sinabi ay 'Mahal kita mula sa buwan at pabalik'" Sabi ko.

Nakita ko ang paghiwalay ng kanyang magkasalubong na kilay. At unti-unti sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Mahal na mahal kita. Ikaw ang aking bituin" sa buhay ko lagi ako humihiling ng isang tao na makakasama ko sa aking paglalakbay sa dilim. Dahil simula ng namatay si Kuya Eze, pinaniwala na ako ni Mommy na wala na sa akin magmamahal at mabubuhay ako sa kadiliman. Yes, I believe in her.
Kaya hindi ko na na appreciate ang ganda ko at ang aking sariling ningning. Hanggang sa mapunta ako sa henerasyong ito at kasabay ng aking pagmamahal sa bayan ay natutunan ko na mahalin ang aking sarili at aking ningning. Mali si Mommy, dahil hindi habang buhay ako mabubuhay sa dilim. Because now, I prefer to live my life in the sunburned sun.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon