Kabanata 6

280 28 1
                                    


Sabi nila, sa hindi mo inaasahang lugar matatagpuan ang tunay na kaligayahan.

Maybe it's true because since I went here I always feel beloved and it makes me happy.

Kung isa lang panaginip ang lahat hindi ko na gugustuhin pang magising.

Hindi ko nga alam kong nag-aalala man lang ba ang aking pamilya sa aking pagkagkawala o baka hindi man lang nila alam na nawawala na ako. And it's hurts like hell.

"Mayari!" sigaw ni Ina sabay yakap sa akin.

"Akala namin kung ano na ang nangyari sa iyong masama." halata ang pag-aalala ni Ama sa akin.

"Sinabi ng isang katulong sa guguilid na umalis ka at pumunta sa paliguan. Pumunta ako sa paliguan at hindi man lang kita nakita. Sa susunod na aalis ka magpasabi ka upang hindi kami nag-aalala." laking gulat ko sa sinabi ni Ate. Simula kasi ng pumunta ako dito wala na siyang iba ginawa kundi maging malupit at maging malamig ang pakiki-tungo sa akin.

"Paumanhin," naka-yuko kong sabi.

"Agni, nagiging malupit ka na naman sa kanya." saway ni Kuya kay Ate. Parang pinapagalitan niya ito.

"Nagsasabi lamang ako," she coldly said.

At naging Ice bear mood naman siya.

"Paumanhin. Ako ang nagsama sa kanya," sabi ni ninuno habang naka-yuko. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya.

"Ginagalang naming Prinsipe, hindi naman sa pinag-babawalan ko kayo sa aming dalaga ngunit labis ang aming pag-aalala sa kanya. Sa susunod na isasama mo si Mayari, kung maari sana ay magpa-alam kayo sa amin upang malaman namin na nasa mabuti siyang mga kamay." I heard the respect in my father's voice. Pero nangingibabaw parin ang inis sa kanyang boses kaya napangiti ako. Dahil alam ko kahit prinsipe pa siya kapag may nagawa siyang masama sa akin at gagawin ni ama ang lahat para sa akin.

I smiled bitterly. I remember when I was in junior high school. The heir of Wolkzbin Empire almost raped me. Pangalawang beses na akong pinagtangkaan ni Rhegrhet na gahasain. Nang magkaroon ako ng pagkakataong maka-alis ay pinalo ko siya ng kahoy sa ulo pero sa huli pinagalitan ako ni daddy dahil gumagagawa ako ng mga kuwento. No one believes me except Drea and Kade.

Sa huli ako ang pinagalitan ng pamilya ko at humingi ng paumanhin sila sa mga Wolkzbin.

It broke my heart. Dahil simula ng nangyari, alam ko na wala ako kakampi sa pamilya ko Kung hindi ang sarili ko lang.

"Paumanhin," naka-yukong sabi ni ninuno.

"Saan mo dinali si Mayari?" kung nakakamatay lang ang titig siguro kanina pa namatay si ninuno sa titig ni Kuya.

"Lumad!" saway ni Ina kay Kuya.

"Ahh, nilibot ko lamang sa Mayari sa loob ng kaharian..." mahinahong sabi ni ninuno.

"Maraming salamat, mahal na prinsipe. Ngunit maari ka nang maka-alis," pagtataboy ni ama.

"Ama!" I glared at him.

"Pumasok na kayo sa loob mag-uusap lang kami." pagtataboy ko sa kanila.
Halata ang disgusto sa kanilang mga mukha. Ngunit si ninuno poker face lang.

"Ngunit-,"

"Ama!" hihirit pa sana si Ama ngunit pinamaywangan ko na siya.

"Saglit lang kami mag-uusap, Pangako," he sincerely said.

Ninuno nemen eh...

"Salamat sa lahat," sabi ko ng maka-alis ang pamilya ko.

"Walang anuman." sabay hawak niya sa kanyang batok.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon