Kabanata 30

235 18 2
                                    

Life is not about waiting for the storm to pass but learning to dance in the rain. Ang kasabihan na ito ay ang patunay na kahit gaano kasakit ang ating pinagdadaanan o kahit gaano kadilim ang ating nakaraan ay lagi may kasiyahan parin. Ang buhay ay hindi tungkol sakit, pighati o kahit sa iyong nakaraan kundi ang buhay ay tungkol sa kung paano ka naging masaya sa gitna ng sakit at ng kadiliman.

Minsan kapag tingin natin na katapusan na ng lahat para sa atin  may darating na isang rason para mag patuloy. Kailangan lamang natin  kumapit at huwag mawalan ng pag-asa sa buhay.  Tandaan natin na ang bawat sakit ang mas mag-papatatag sa atin.

Para sa mga taong may madilim na pinagdaanan at nakaraan, nais ko na lumaban kayo, magpatuloy sa buhay, hanapin ang liwanag at ang rason kung bakit kayo nabuhay sa mundo ng ito.  Laging may dahilan para lumaban, mangarap at sumubok. At kahit gaano ka wasak at kadilim ng iyong pagkatao, may darating na isang tao para mahalin at tanggapin ka ng walang halong pang-huhusga. Dahil ang tunay na pag-ibig ay laging handa umunawa at tumanggap. Lahat ay pantay pagdating sa pag-ibig.

“ Mayari, ako naman ang iyong minahal bakit hindi na lang ako? Ako na lang ulit. Ako ang nanatili ako ang iyong piliin, mahal kita “ Paki-usap niya.

Mariin niyang hinawakan ang aking mga balikat. Siguro, kung ako pa ang dating HANNAH na mahina at duwag sa lahat, matatakot ako ngunit tinuruan ako ng lugar na ito na kailangan natin maging matapang at kaharapin ang ating mga takot. Hindi ang takot o dilim ng ating mga nakaraan ang magkukulong at magdidikti ng ating buhay.

“Sino ka ba? “ matapang kong tanong.

“ Ako ang iyong unang kasintahan at ang iyong kababata. Nawala nga pala ang iyong mga alaala. Ako ito si Silang. “  nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata.

Naaalala ko na ngayon, siya yung lalaki na kamuka ni Rheghret at ang lalaki na kasama nila Lolo noong unang beses kami pumunta ng Norte ng Kaharian.

Kaya pala una pa lang ay ang hindi na ako komportable sa kanya. Pinapa-alala niya sa akin ang masasakit na alaala na ginuhit ni Rheghret sa buhay at pagkatao ko.

“ Paumanhin, ngunit hindi kita naaalala at nawa’y matanggap mo ang pag-iibigan namin ni Isagani. “ nakiki-usap ko sa kanyang sabi.

“ Hindi. Akin ka. Akin ka lamang. “ wika niya sa nakakatakot na tono.

“ Hindi ako sa iyo. At kung tunay na mahal mo ako handa ka dapat na pakawalan at hayaan ako maging masaya sa piling ng iba. Alam ko na masakit ito para sa iyo ngunit kailangan mo taggapin na hindi tayo para sa isat isa at may mga pag-ibig na nagtagpo ngunit hindi itinadhana. “

“ Hindi ko kaya iyan gawin. Sapagkat higit pa sa higit ang pagmamahal ko para sa iyo. “ naluluha niyang sabi.

“ Kung magiging tayo hindi naman ako magiging masaya sa piling mo. Magkakasakitan tayo at ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa akin ay kukupas din sa paglipas ng mga panahon. Ano ang silbi ng iyong pagmamahal kung tayo ay mag-kakasakitan at hindi sasaya sa piling ng isat isa”

Kung hindi na sa atin masaya, matuto tayong magpalaya. Dahil kung para sa iyo hindi ka niya iiwan at pipiliin ka niya sa bawat saglit at laban.

“ Paki-usap palayain mo na ako”. Naluluha kong sabi.

Biglang may tumulong luha sa kanyang mga mata.

“ Paumanhin, masyado ako naging bulag sa pagmamahal ko para sa iyo. Nais ko lamang bumalik tayo sa dati. Ngunit nakalimutan ko ang dahilan ko Kung bakit kita minahal, yun ang makita ka maging masaya. Sa bago mong alaala ay hindi ako parte nito. Paumanhin, kung naging makasarili ako at sinaktan ka. Huwag ka mag-alala ito na ang huling beses na sasaktan kita, aalis na ako… magpapakalayo-layo ako. Nais ko na maging masaya ka kahit ang sakit-sakit. “ nanginginig niyang sabi.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon