Huling Pahimakas.

348 23 6
                                    

Salamat Hannah Eirine Dela Cruz sa pagpayag na gamitin ko ang iyong pangalan. Nais ko sa'yo na taos puso na magpasalamat sa paghihintay ng aking update at sa walang sawa na pagsuporta sa akin.

Nawa'y hindi kita nabigo. Kung dumating man ang araw na napansin ng madla itong aking nobela , hayaan mo na ako'y magpasalamat sa iyo. Naalala mo na noong pitong araw na ngunit isa pa lamang ang bumabasa ng aking nobela? Ikaw ang dahilan kung bakit ako'y nagpatuloy at muling sumagal.
Hindi kita nakakalimutan, Mayari ko <333.

Sa mga tulad ko na manunulat, Huwag kayo sumuko hanggan't may isang tao na naniniwala sa iyo, ipagpatuloy mo lamang ang iyong sinimulan. Darating din ang araw ng iyong pagningning.

Para sa mga mambabasa ko na palihim, nais ko malaman niyo na ako'y nagagalak na inyong binigyan ng pansin at ng oras ang aking nobela.

Hindi ko malilimutan ang mga araw na ako'y lumuha, nasaktan at muling lumaban habang aking sinusulat itong aking nobela. Ito ang naging saksi kung ilang beses ako nawalan ng pag-asa at muling binuo ang aking sarili. Kasabay ng pamama-alam ng 'In another life' ay ang pagbubukas ng bagong kwento at bagong pag-asa.

Nawa'y may natutunan kayo sa aking nobela. At aking hiling na ito'y nag-iwan sa inyo ng bagong pag-asa at aral. Mahal niyo ang bayan at ito'y inyong ipaglaban.

Muli, nais ko magpasalamat sa lahat ng aking mambabasa. Kayo ang aking bituin. Magkita-kita tayo sa aking susunod na nobela. Sana samahan niyo ako sa hanggang sa huli ng aking paglalakbay bilang isang manunulat at makata.





In another life is now officially signing off....




IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon