Wakas

354 21 9
                                    

Isagani

Spg - karahasan







Sabi nila ang pag-ibig ay isang uri ng pag-sasakripisyo. At ito'y kasing-tulad ng baybayin, kailangan ng oras upang matutunan at maintindihan ang kahulugan nito.

Minahal ko na siya simula noong bata pa lamang kami. Sabay kami lumaki ngunit hindi ko matandaan na kinausap niya ako o kahit tinapunan ng tingin . Batid ko lahat ng kanyang mga kalokohan at lagi ako patago na nililigtas siya mula sa mga kapahamakan na siyang may gawa. Nakita ang una niyang pag-ibig at kung paano nila ito ipinaglaban sa harap ng kanyang pamilya. Patago ko siyang minahal at inaalagaan. Ngunit laging may kulang. Maaring nagmula ito sa aking pagkatao o maaring pinaniwala ko ang aking sarili sa isang bagay o pag-ibig na kay tagal ko inasam ngunit hindi ko nauunawaan.

" Maaari ko ba malaman kung ano ang iyong pinagmamasdan? " Saad ni Ina nang lumapit siya sa akin. Kasulukuyan kami ngayon naka tayo malapit sa isang bintana ng palasyo.

Naka-masid ako sa isang batang babae na nakikipag-laro sa aking kaibigan na si Panganuron. Bakit ganun? Pagdating sa akin at sa ibang mga tao ay lagi siyang naka-simangot ngunit kapag si Panganuron ang kanyang kasama ay lagi siyang naka-ngiti at nakatawa.

" Kapag mahal mo kailangan mo ipaglaban" wika ni Ina. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang naka-ngiti sa akin.

" Sapat na sa akin ang makita ko ang aking iniibig na masaya at maalagaan siya kahit palihim". Sabi ko habang tiitingnan sina Mayari at Panganuron na naglalaro habang maiingat na inaalalayan ni Panganuron si Mayari.

" Huwag ka makuntento. Huwag ka maging tulad sa iyong ama. Kung mahal mo ang isang tao kailangan mo siyang ipaglaban at piliin sa bawat laban. Hindi magiging ganap ang iyong kasiyahan kung alam mo hindi mo may ibang kapiling ang iyong sinisinta. Maaring mabuhay ka ngunit walang silbi ang buhay kung alam mo na may magagawa ko para sa iyong minamahal ngunit hindi mo ginawa dahil napangunahan ka ng iyong takot. Ang pag-ibig ay isang digmaan o labanan, magulo at kailangan mo ipaglaban siya kung ayaw mo maagaw sa iyo. Higpitan mo ang hawak sa iyong sandata upang hindi makawala. Sa bawat dulo ng isang labanan maaring sumiklab ang bagong digmaan o isang araw na magbibigay ng tanglaw. Ngunit tandaan mo, hindi lahat ng Laban ay maari mo maipanalo. Minsan sa buhay dapat alam mo kung kailan ka susuko at aatras. Hindi ibig sabihin na kapag sumuko ka ay isa itong karuwagdan, kailangan mo lamang mag pahinga para sa iyong susunod na laban. " wika ni Ina.

Batid ko ang bawat sakit at pagdurusa ni Ina ngunit habang tumatagal ay unti-unti ko naintindihan si Ama. Siya ay isang lakan at kapag naging makasarili siya ay maaring mapahamak ang bayan at ang mga tao.

Ngunit nakita ko kung paano dahan-dahan natutunan ni Ama mahalin si Ina.

"Anak, kung dumating ang araw na mabigyan ka ng pagkakataon na ibigin siya ng malaya... Huwag mo palagpasin ang pagkakataong iyon. Mas masakit ang mabuhay sa nakaraan ng puno ng pagsisisi. " bilin ni Ina habang na huli niya ako na nakamasid kina Panganuron at Mayari.

Siguro tulad ni Ama, hanggang tingin na lamang ako sa aking minamahal.

Sapat na sa akin ang makita siya na masaya.

" Ano ang problema ni Mayari?" tanong ko kay Panganuron.

Nang minsan makita ko siya na umiiyak sa gilid ng lawa malapit sa palasyo.

" Nais niya kasi ng gintong porselana sa kanyang kaarawan, mahal na prinsipe" wika ni Panganuron habang naka-yuko.

" Hindi ba sinabi ko na sa iyo na huwag mo na ako tawagin na 'mahal na prinsipe' sapagkat tayo'y magkaibigan."

" Ipagpaumanhin niyo ngunit hindi ko maaring gawin ang iyong sinabi. Ang sabi ni Ama kahit kaibigan ang turing mo sa akin ay kailangan parin kita igalang at tawagin na prinsipe sapagkat ikaw ang susunod na lakan " wala na ako nagawa kung hindi ang pumayag.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon