Ch. 8

476 12 0
                                    

Lisa

Pinapasok ko muna si Taehyung sa maliit kong apartment at doon niya inilabas ang mga binili niyang pagkain.

"Thank you nga pala. You don't really need to do that but thanks. Babayaran kita soon." Sabi ko kay Taehyung sabay kain sa noodles na binili niya.

"Ano ka ba naman. May pamilya ka bakit hindi ka na lang bumalik doon?" Tanong ni Taehyung at nainis naman ako.

"They're not my family. You know that. Eh, ikaw? Lagi ka na lang nakabuntot sa akin. Kung saan ako magtratransfer, doon ka rin. " Sabi ko sa kaniya at bilis kong itinayo ang sarili ko at kunwari ay busy na nagaayos ng bag.

"But still.. Hey..Ano? Ayaw mo ba? Hindi ko rin alam eh. Basta ang alam ko lang, kailangan kitang samahan, damayan at protektahan just like what you did to me, remember?" Sabi niya sa akin at natulala naman ako. Nainis na lang ako bigla sa naalala ko.

"Stop. I don't wanna talk about it." Alam niyang galit na ako kaya hindi na siya nagsalita pa at kumain na lang hanggang naubos na niya ang kaniyang pagkain. At ako naman ay busy pa rin sa pagaayos mg bag.

"Sorry okay? Sige mauna na ako." Paalam niya. "Utang mo 500,000 won. Huwag mong kakalimutan." Pahabol niya at tuluyan na siyang umalis.

Hindi na tuloy mawala sa isip ko ang sinabi niya sa pamilya ko. Pumunta na lang ako sa banyo, nagtoothbrush at naligo at syempre nagbihis na rin ako ng damit na pantulog. Humiga ako sa kama at napatitig sa kisame.

Kung tunay niyo ba akong anak, lalayas pa kaya ako? Kung naiparamdam niyo ba ng sapat ang pagmamahal niyo, lalayas pa kaya ako?

Hindi ko maiwasan ang magisip. Binaling ko na lang sa pagaadvance reading ang atensiyon ko. Pagkatapos kong magbasa ay naalala ko si Jennie.

Ano kaya ang reaksyon mo kung ako ang magpapakilala bilang secret admirer mo?

This time, hindi na simpleng calligraphy kundi magarbong calligraphy ng pangalan niya mas magarbo ba sa kotse ni Batman. Hindi ko namalayan ang oras, 2 AM na pala. Kaya natulog na ako.

Kinabukasan..

Habang papasok ako sa building, nakita ko na magkasama si Taehyung at Jennie na naglalakad nang sabay sa hallway at nagtatawanan pa sila. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kasi in the very first place, isa lang akong tulay, binabayaran na tulay.

You Never Know (Jenlisa FF)Where stories live. Discover now